Chapter 24 "Mommy. Huhuhu. I feel like there's something inside my knee. Sabi nung kalaro ko po before kapag may sugat may rice daw na lalabas. I don't wanna eat rice that came from my knee. Mommy, daddy. Huhuhuhu." muling isiniksik ni Sam ang kanyang ulo sa balikat ni Yuka. Hindi siya humihiwalay sa ina simula kaninang dumating sila ng bahay. Si King ay nasa tabi lang ng kanyang mag-ina habang ipinapaliwanag ang nangyaring insidente kanina sa DIS. Samantala si Christian ay nauna ng umakyat ng kanilang kwarto. Tumingin si Yuka kay King na mukhang na-gi-guilty sa nangyari kay Sam. Hindi niya agad napansin kanina na may tinamo palang gasgas sa tuhod ang anak dahil sa 'di inaasahang pagkikita nila ni Jessica. Ngunit bago naman sila umuwi ay ginamot ito ng nurse sa clinic ng DIS.

