Chapter 25 Hindi magkamayaw ang mga katanungan ni Smiley nang ipagtapat sa kanya ni Yuka na ang lalaking kausap niya kanina ay walang iba kundi ang asawa niyang si King Daryl. Lahat na yata ng papuri para kay KIng ay nabanggit na ni Smiley kay Yuka. Paulit ulit pa. Samantala, nakasimangot si Warwick sa direksyon nila na kanina pa naiirita sa pinagsasabi ni Smiley. "Guys! Dinner tayo kasama si sir tonight! Birthday niya pala ngayon samahan naman natin s'yang mag-celebrate! Walang KJ!" sigaw ni Berna na nasa harap at tumayo pa sa kanyang upuan. "Go kami d'yan!" "O'rayt! Partyyyy!" "Hey, no need naman." natatawang sagot ni Mr. Evangelista. "sanay na 'kong mag-birthday mag-isa," aniya pa. "Loner si sir! Hahayaan ba natin siyang mag-isa ngayon na pwede naman natin siyang samahan

