Chapter 26 Pagdating sa bahay ni Yuka ay nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kanya. Para mabawasan 'yon ay pinatugtog niya sa player ang lullaby na madalas nilang pakinggan ni King at ng mga bata. Masyado pa kasing maaga at mamayang konti pa ang oras ng labasan ng kambal. Kung hindi lang talaga siya nahilo kanina ay dapat nasa library pa siya ngayon kasama sina Smiley at Warwick. Masyado lamang naging mapilit si Kurt na ihatid siya upang makasiguro ito na ligtas siyang makakauwi . "Ay tipaklong na walang paa!" Muntik na siyang mapatalon sa dalawang brasong pumalibot sa bewang niya. Sa amoy pa lang nito ay hindi na niya kailangan lingonin kung sino ito. Tahimik itong nakayakap sa kanyang likuran at ramdam niya ang mukha nitong nakasandal doon. Hinawakan niya ang kanang br

