Chapter 27 Alas dyes na ng umaga nang makarating ng opisina niya si King. Alas otso pa lang kanina ay wala na siyang inabutan na kasama sa bahay. Maagang namalengke si Joylyn at magkakasabay naman na umalis sina Yuka at ang mga anak. Idinaan ni Yuka ang mga ito sa DIS bago tumungo sa DIC. Kinain na lang ni King mag-isa ang almusal na inihanda ng asawa. Sa loob ng kanyang opisina, inabot niya ang telepono sa ibabaw ng kanyang table at dinial ang numero ng kanyang private investigator. Mabilis naman itong sumagot mula sa kabilang linya. [Received your email, Boss.] bungad nito sa kanya mula sa kabilang linya. "There's something I want you to work on privately." ani King. [Anytime, boss. At your service.] alertong sagot nito. "Give me all the details about Jessica Romualdez i

