Chapter 17 Kevin's POV There are some secrets that you keep sometimes because you have to and it is a must. Magkakasama ang buong gang at sina princess pati na ang kambal sa airport para ihatid si King. Ang kulit lang niya dahil obvious na naghihintay pa siyang pigilan ni princess para 'di na siya tumuloy pero parang ito pa ang nagtutulak sa kanya paalis. Minsan talaga mas mainam na si Yuka na ang nagdedesisyon ng mga gan'tong bagay. Mahirap nang pagkatiwalaan si King kapag usapang mapapalayo sa pamilya niya eh. Ayaw umalis! Takte. "Mag-iingat ka doon, Daryl, ha? 'Wag mong masyadong abusuhin ang sarili mo sa trabaho. Magpapahinga ka rin," "Don't worry about me, wife. You also take good care of your health. Don't stress yourself too much in school. Nag-hire ako ng extra maids and staff

