Chapter 18 [Dennis] Natulog kami pagkatapos naming mapag-usapan ang plano sa isasagawa naming operasyon mamaya sa Willis Tower. Hindi ito basta basta kaya't kailangan naming mag-save ng energy. Nag-stretching ako ng konti nang mag-announce na ang piloto namin na mag-la-landing na daw. Okay! Kailangan nang ihanda ang mga martial arts skills at muscles ko. Mahirap nang madamay ang perpekto kong mukha. Habang nag-la-landing kami ay sinilip ko kung buhay pa ba 'tong mga kasama ko. At mukhang handang handa na rin sila. Si King na naka-dekwatro, John na pa-easy easy sa pagbabasa ng magazine, Kevin na binaon yata ang world's encyclopedia, at si Kris na nag-s-soundtrip pa. O diba para lang kaming mag-a-outing? Napaka-astig nga talaga namin. "You know all your tasks later?" poker face na tanong

