Episode 1

1584 Words
Pababa na ako sa hagdanan ng marinig ko ang munting tawa ni inay. Ang ganda ng gising ko, ang sarap pa ng bungad, ganito ang umaga ko araw-araw. Nakahanda ang masarap na adobong kangkong, kung hindi naman kangkong, minsan ay talbos nga kamote o di kaya ay sitaw. "Nay, tay, ang daming langgam sa taas." pabiro kong sabi. "Naku, anak baka naman kinakain mo na naman ang bigay na chocolate ni Sanjoe," pabalik na biro sa akin ni inay. Masuyo akong nililigawan ni Sanjoe, pero sa edad na dise otso ay wala pa ito sa aking plano, gusto ko munang maging proud sa akin sina inay at itay kapag nakasoot na ako ng itim na toga. Pero sa totoo, hindi tumitibok ang puso ko kay Sanjoe, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Prangka ko itong sinabi sa kanya, subalit hindi parin siya tumitigil sa kakabigay sa aking ng kung ano-ano. "Hay naku Monica, bata pa yang anak natin, ni ayaw kong makitang may umaaligid sa dalaga natin," sabi ni itay. "Masisisi mo ba naman si Sanjoe kung papansinin niya itong anak natin Tonyo. Maganda, mabait, matalino at higit sa lahat mana ito sa akin, wife material." Tugon ni inay. "Naks naman si inay, may nalalaman na wife material. Naku po, nay, tay kung sakali man iibig ako, gusto yung katulad ni itay, loyal, gwapo at mabait" then I rolled my eyes, alam kong matatawa si inay dahil lagi kong sinasabi na katulad ng katangian ni itay ang gusto ko. Pagkatapos magbihis ay gumayak na ako papunta kina Arlene, madadaanan lang ang bahay nila papunta sa San Jose College kung saan kami pumapasok. Si Arlene ang nag-iisa kung bestfriend mula pa elementarya. "Naku Hannah hah, sabi sa akin ng grupo nina Mildred, ikaw raw ang napili na representative sa Tourism Department ngayon college day. Pumayag ka na, matagal ka ng sinsuyo ng departamento natin." sinusundot ako ni Arlene. I heaved out a sigh. "Malaki ang prizes, kung sakali makapasok ako kahit sa top 3 ay okay na ang premyo para sa susunod na sem," mahina kong tugon. "Naku Hannah! for sure ikaw ang panalo, beauty and brain, edi taob sila sayo." sabay tawa. Habang naglalakad, nilalakad lang naman namin ni Arlene ang SJ College dahil malapit lang ito. Biglang bumusina ang sasakyang nakasunod sa amin, paglingon ko, nakita ko si Sanjoe sa driver seat, nabaling ang atensyon ko sa may shotgun seat, may nakaupo doon. "Hannah, sabay na kayo, papunta ako sa SJ College dahil may idadaan ako," wika ni Sanjoe. Nakasanayan na naming ni Arlene na sumasabay sa kanya sa tuwing nadadanan niya kami. "Naku, salamat Sanjoe, nag-aabang ka lang ata diyan sa tabi-tabi eh, para maisabay mo si Hannay my loves." pabirong sabi ni Arlene. Napakamot tuloy sa ulo sa Sanjoe at ngumising nakatingin sa akin sa rearview mirror. Tiningnan ko sa Sanjoe then sa katabi niya "ahm, Sanjoe, may pepe ka palang kasama?" ipinukol ko ang tingin sa katabi niya. "I think it's rude to talk kung hindi ka kasali sa usapan." sagot ng pogi niyang katabi. "Haha, bro, masanay ka na kung lagi kong kasama si Hannah dahil prangka talaga yan magsalita. Anyways, Hannah, Arlene meet Xandro my cousin, kakauwi lang niya galing San Francisco". pagpapakilala ni Sanjoe. Lumingon sa akin ang sinasabi niyang Xandro, grabe ang gwapo, parang binudburan ng asin ang katabi ko, mahilig pa naman tong si Arlene sa gwapo. Gwapo siya, ma-appeal pero laking abroad, naku ito yung mga lalaking unang tingin ko pa lang bagsak na sa standard ko. Gusto ko yung pinoy na pinoy ang katangian. Teka, bakit ko ba naiisip ang ganito, ipinakilala lang naman. Tahimik buong biyahe si Xandro, si Arlene lang naman, Sanjoe at ako ang panay usap. Sabay kaming pumasok sa campus ni Sanjoe at Arlene, naiwan sa sasakyan ang kanyang pinsan. Ilang hakbang pa lang ay nilingon ko ang sasakyan, at anak ng butandeng, nahuli kong tinitingnan ni Xandro ang likod ko, lalo na ang pang-upo ko. Nakita niya akong dinilatan siya, ngumisi lang ito kaya inirapan ko. Naku, sabi ko na nga ba, kaya allergy ako sa ganitong mga lalaki, 'ni ayaw ko nga sa Manila boy, Lalo na sa abroad boy. Weird tong lalaking to. Pagkatapos ng lahat ng gawain ko sa bahay at assignments ko ay humiga na ako, maaga pa naman pero parang masarap ng matulog ah, ng bigla ay tumunog ang de keypad kung cellphone. Si Sanjoe ang tumatawag. "Han, busy ka?" bungad sa akin ni Sanjoe. "Hindi naman, bakit? 'Wag mong sabihing kakain na naman tayo sa plaza, hay naku Sanjoe, tataba ako sayo nyan eh" pabiro kung sagot. "Kahit tataba ka, ikaw parin naman ang pinakamaganda sa paningin ko. Pero hindi yun ang sadya ko, naalala mo sinabi ko saýo noong nakaraang lingo? Birthday ng lolo, gusto sana kitang imibitahin, ipinagpaalam na kita kina mang Tonyo at kay nanay." paliwanag niya. "Sanjoe, sa kabobola mo sa akin, diyan ako tataba. Tsaka bakit ka nakinanay sa nanay ko. Sige na nga, ano ba ang isusuot ko? pormal ba?" Pababa ako sa hagdan, apat na baitang lang naman ng kahoy ang aming hagdan. Gaya ng sabi ni Sanjoe kanina, Kahit anong dress ay okay lang o kahit saan ako komportable. Kaya napili ko ang paborito kong bestida, binili ito ni inay noong ika-18 birthday ko. Isang dilaw na dress, hindi ito umabot sa tuhod ko, hapit sa akin pero hindi ka-bastos bastos tingnan. Okay na siguro to, hindi naman ako takot pumunta sa mansion ng mga Paloma, mabait si Don Jose, madalas ko siyang dinadalhan noon ng nilagang kamoteng kahoy, gayun din ang anak nitong sa Maám Sanya, ang ina ni Sanjoe. "Ang ganda naman, sigurado matutuwa si lolo pag nakita ka." wika ni Sanjoe. "Sige, bolahin mo ako ng bolahin Sanjoe, ng sa ganun lalaki itong ulo ko." pabiro kong tugon. Habang nasa biyahe, mga limang minuto lang naman ang layo ng mansion mula sa kinatitirikan ng bahay namin. Hindi nauubusan ng sasabihin si Sanjoe, naririnig ko ang mga pagsasalita niya pero wala ako mainitindihan, siguro dahil malayo ang isip ko. Pero ng banggitin niya ang pangalan ni Xandro ay napalingon ako. Ilang linggo na ba mula ng una kong makilala ang pinsan niya, akala ko nga bumalik na ng abroad, pero sabi niya nandito pa pala. Kaya umuwi dahil pinapauwi ng Don. Bigla akong nagkainteres sa usapan. "Ahm, ilang taon na ba si Xandro?" tanong ko. "Same year lang kami ipinanganak ni Xandro, matanda lang siya sa sakin ng 2 buwan." sagot niya. So ibig sabihin, mas matanda siya sa akin ng anim na taon. I'm 18 si Sanjoe naman ay 24. Teka, bakit ba ako nagiging interesado sa edad ng mukong na yun. Hindi ko namalayan nasa bungad na pala kami ng mansion. Unang bumaba si Sanjoe ang pinagbuksan ako ng pinto. "Napakagentle man naman ng driver ko, diba sabi ko wag mo akong pagbuksan ng pinto. Baka isipin nila inalila ko ang kaibigan ko." pabiro ko kay Sanjoe. Ngumisi lang siya at hinawakan ang siko ko papasaok sa loob. Ng makapasok kami sa malaking garden ng mansion ay tulad ng unang pagtapak ko dito, yun parin ang nararamdam ko, paghanga. Sobrang ganda ng mga bulaklak, parang wala naming pinagkaiba tulad noon pero may nadagdag na duyan sa isang gilid at may patio sa tabi nito. "Han, halika tinawag ka ni lolo." tawag ni Sanjoe. "Hello po, Don. Happy birthday po." bati ko sa matanda sabay mano. "Diba sabi ko sayong bata ka, lolo na lang. Nasaan ang Tonyo at Monica?" litanya ni Don Jose. "Naku po, Don ay lolo. Marami ang ani kanina kaya hindi na sila makakapunta dito, napagod ata." sagot ko. Pagkatapos nun, nagpaalam na ako kay Don Jose, bumulong kasi si Sanjoe na ipapatikim niya sa akin ang leche flan ni Maam Sanya, ang paborito ko. Habang pinagkakaabalahan ko ang leche flan, nagawi ang tingin ko sa entrada, Nakita ko si Xandro, sobrang gwapo niya sa soot. Di tulad ng iba na naka-coat with tie, longsleeve lang soot niya, nakarolyo ito hanggang sa siko, medyo hapit ito sa kanya. Nakatuck in it, may belt siya na kulay silver ang design at ang sapatos niya ang kintab. Napansin ko, ang laki ng paa niya. Bakit ba lagi ko na lang siyang napapansin, hay naku. Pagtingin ko sa mukha niya, muntik na akong nabilaokan, nakatingin pala sya sa akin. He smirked at lumakad papalapit sa mesa namin. "Hey Xandro, akala ko hindi na magpapakita ah, kanina ka pa hinanap ni lolo. By the way, Han si Xandro. Ay wait magkakilala na pala kayo." wika ni Xandro. "Hon hah?" mahina niyang sabi pero dinig na dinig ko. Syempre Hannah ang pangalan ko, pero teka baka iniisip ng mukong na to na Hon as in Honey, bahala siya. Tinoon ko ang pansin sa leche flan, masarap to kanina ah, bakit parang hindi ko na malasahan ngayon. Nasa malalim ako na pag-iisip ng may lumapit sa amin, maganda, ang liit ng bewang at sa tingin ko ay kasing-height ko lang. Nanliit tuloy ako sa sarili ko, naka-tube dress ito na sobrang fit, halos lumuwa na ang dibdib nito. Sabay kapit sa braso ni Xandro. Napatingin ako sa kanilang dalawang ni Xandro, lalo na sa paraan ng paghawak ng babae sa kanya. Bakit ba parang iba ang nararamdaman ko? Ang weird na feeling na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD