CHAPTER 6

1375 Words
"uhmm Lucio ahhh yes darling give it to me aahh" tila naparalisa ako sa aking kinatatayuan nang masilip ko sa awang na pintuan ang nagaganap sa pagitan ni Lucio at Lola Mercedita kung paano pinaligaya ng husto ni Lola si Lucio. "aahh Mercedita f**k! ohh suck my d**k ohhh yeah!" walang tigil sa pagsubo si lola na para bang isang hari si Lucio na niluhuran. Nakatalikod ito sa aking kinatatayuan ang kanyang maumbok na pwet ang nakikita lang ng dalawa kong mata habang si lola ay natatakpan sa maskulado nitong katawan walang tigil sa ginagawang pagsubo mapaligaya lang ito ng husto. "ohh Lucio uhmm ang sarap ng t**i mo hindi ako magsasawang kainin ito" mga huling ungol ng byuda bago ko nilisan ang kanilang silid. Oo nasasaktan ako habang pinagmamasdan sila,kung paano ni lola pinaligaya si Lucio. Hindi ko na kayang panoorin pa. Mabilis akong tumalikod at halos patakbong umalis. Hindi ko na alintana kung may makakita man sa akin. Dumiretso ako sa aking silid. Pagkapasok ko sa kwarto ay malakas kong isinara ang pinto. Napasandal ako rito habang mariing nakapikit. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin. Humihingal.Nanginginig. At unti-unting nadudurog. Lumapit ako sa malaking bintana at marahas na binuksan iyon. Agad sumalubong ang malamig na simoy ng hangin, ngunit imbes na pagaanin ang aking pakiramdam ay lalo lamang nitong pinaalala ang sakit na bumabalot sa aking puso. Napayuko ako habang mariing kinukuyom ang aking mga kamao. "Ang sakit..." halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. Sa isang iglap ay sumiklab ang galit na kanina ko pa pilit kinukubli. "s**t!"Buong lakas kong inihagis ang mamahalin kong handbag sa kabilang dulo ng silid. Tumama iyon sa dingding bago bumagsak sa marmol na sahig. Nagkalat ang laman nito cellphone, mamahaling lipstick, wallet, pabango, at ilang alahas na nagsitalsikan sa iba't ibang sulok ng kuwarto. Ngunit wala akong pakialam. Hindi sapat ang ingay ng pagbagsak ng mga iyon upang maibsan ang paninibughong nararamdaman ko. Humugot ako ng malalim na hininga ngunit lalo lamang bumigat ang aking dibdib.Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Hindi ko dapat pagnasaan ang isang lalaking kailanman ay hindi maaaring maging akin pero bakit nagkakaganito ako. Ayokong magkulong dito sa loob ng mansion habang patuloy na nasasaktan kaya nag desisyon akong tawagan si Sienna ang kaibigan ko sa America na bumalik dito nung huling taon lang. Enough..." mahinang bulong ko sa sarili. "Hindi ako pwedeng magmukmok dito." Agad kong dinampot ang aking cellphone mula sa sahig. Bahagya pa itong nagasgasan matapos kong ihagis ang bag kanina, ngunit wala na akong pakialam doon. Hinanap ko ang isang pangalan sa aking contact list. Sienna. "Hey, girl! Long time no see!kailan ka pa dumating?" masigla niyang bati. Napapikit ako sandali bago nagsalita. "Sienna... can we meet?" Agad nawala ang saya sa kanyang tinig. "What's wrong? Umiiyak ka ba?" "oo umiiyak ako kasi na miss kita" pagsisinungaling ko. "loka ka talaga Nenefe..okay saang bar tayo?" "wow ha nahulaan mo agad saan tayo pupunta" "ofcourse dating gawi natin 'to sa tate hahaha" sa halakhak ni Sienna ay tila nawala ang sakit na nararamdaman ko sa kalaswaang nakita ko sa pagitan ni lola Mercedita at Lucio. Pagkababa ko ng tawag ay mabilis akong nagpalit ng damit. Isinuot ko ang isang itim na fitted dress na hanggang tuhod, saka isinuot ang pares ng matataas na takong. Bahagya kong inayos ang aking mukha gamit ang kaunting makeup at saka walang paalam ba umalis ng mansion. UMUPO kami sa pinakadulong bahagi ng bar. "Two shots of tequila," utos agad ni Sienna sa bartender. Ilang sandali lamang ay inilapag sa aming harapan ang mga baso. Hindi na ako nag-atubili.Ininom ko ang unang shot.Kasunod ang pangalawa.At ang pangatlo. "Hey easy girl.." pigil ni Sienna habang hinahawakan ang aking braso. "para ka yatang isang taong hindi nakainom ah dahan-dahan naman" Napatawa ako,wala,naman siyang kaalam alam sa nararamdaman ko ngayon. "lintik na pusong ito sa matandang gurang pa talaga nagkagusto" "ano?sinong matandang gurang?" pagtataka nito,at dahil ayokong malaman niya ang dahilan kung bakit ako ngayon nagwawala sa bar ay binigyan ko ito ng isang basong tequila. "cheers baby" ani ko,napatawa naman siya at sabay kaming nagsayawan sa gitna ng bulwagan hindi alintana ang ilang miscalls na sa aking cellphone. At nang napansin ko ng lasing na ako ay bumalik ako sa aming table habang si Sienna ay nasa dance floor pa.Ngunit bago pa man ako muling makahawak sa bote ng alak ay may tatlong aninong biglang tumayo sa aking likuran. Pare-pareho silang nakasuot ng itim na amerikana.Nakatali ang kanilang kurbata.At seryoso ang mga mukhang para bang wala silang ibang emosyon kundi ang sumunod sa utos. "Miss Nenefe," magalang ngunit malamig na sambit ng isa sa kanila. "Pinag-uutos po ng Don na ihatid na namin kayo pauwi." Napakurap ako.Dahan-dahan akong lumingon sa kanilang tatlo. Sinuri ko sila mula ulo hanggang paa bago ako napatawa. "Hahahaha..." Napahawak pa ako sa tiyan ko. "Sino kayo?" natatawa kong tanong. "At bakit mukha kayong pupunta sa lamay? Hoy, may namatay ba?" Wala ni isa sa kanila ang ngumiti. Lalo tuloy akong natawa. "And who's that f*****g Don, ha?" sablay kong bigkas sa Ingles. "Hoy, kayong tatlong mukhang goons! Hindi ako anak ng mafia princess. Baka napagkamalan n'yo lang ako." Ikinaway ko pa ang kamay ko na tila nagtataboy ng mga aso. "Chupi! Alis... alis..." Hindi man lamang sila natinag. "Miss Santander," muling saad ng pinakamatangkad sa kanila. "Lasing na po kayo. Kailangan na namin kayong ihatid pauwi." Bigla akong napatigil. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. "...Sandali." Napakunot-noo ako. "Bakit alam ninyo ang apelyido ko?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. "Sino ang nag-utos sa iny—" Hindi ko na natapos ang sasabihin. Sa isang iglap ay bigla akong binuhat ng isa sa kanila na para lamang akong isang sako ng bigas. "Aaaah!" Napapadyak ako sa ere. "Hoy! Ibaba n'yo ako!" Pinaghahampas ko ang kanyang likod ngunit tila bato ang katawan nito. "Wala ba kayong naririnig? Ibaba n'yo ako!" Napalingon ang ilang tao sa loob ng bar.Maging si Sienna ay agad na tumigil sa pagsasayaw. "Nenefe!" sigaw niya habang pilit na lumalapit sa amin. "Sienna! Help me!" Ngunit mabilis akong naisakay sa isang maitim na luxury SUV. Agad nagsara ang pinto. "Hoy! Mga kidnapper kayo!" Paulit-ulit kong sinisipa ang pinto habang sumisigaw. "Ibaba n'yo ako! Tatawag ako ng pulis!" Tahimik lamang ang tatlong lalaki. Ni isa sa kanila ay walang sumagot. Habang tumatakbo ang sasakyan ay kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa isip ko. Baka ibenta ako.Baka kunin ang mga lamang-loob ko.O baka totoong napagkamalan lang nila ako. Ngunit makalipas ang ilang minuto... Unti-unting bumagal ang sasakyan. Huminto ito sa harap ng isang napakapamilyar na lugar. Napakurap ako. "...Ha?" Nang tuluyan akong makababa ay agad kong nakilala ang malawak na bakal na gate. Ang engrandeng fountain.Ang napakalaking mansyon. Ang Mansyon iyon ni Lucio. "Bakit..." Napakamot ako sa ulo. "Hindi pala ako kinidnap..." Pasuray-suray akong naglakad papunta sa pangunahing pintuan habang pilit pang inaayos ang aking balanse. Hindi ko man lang napansin na may isang matangkad na lalaking nakatayo roon. Parehong nakapulupot ang kanyang mga kamay sa dibdib.Tahimik. Ngunit sapat ang kanyang presensya upang maramdaman ko ang awtoridad na bumabalot sa buong paligid.Nang tuluyan akong mapatingin ay napangiti ako. "Oooh..." anas ko sa nang aakit na boses. "It's my handsome lolo..." Nakangiti kong itinuro siya. "Good evening, General..." Hindi man lamang siya ngumiti. Nanatili siyang seryoso habang walang kurap siyang nakatitig sa akin. Huminto siya ilang hakbang lamang ang layo sa akin.Ang kanyang matalim na mga mata ay dumaan sa magulo kong buhok, namumulang mukha, at amoy ng alak na hindi ko na maitago. "Dis-oras na ng gabi..." malamig niyang wika. "At sinong nagbigay sa'yo ng pahintulot na umalis ka?" Bahagya akong ngumisi. Dahil sa kalasingan ay wala na akong takot na tumingin nang diretso sa kanyang mga mata. Lumapit pa ako ng isang hakbang. "Oh, my handsome lolo..." malambing kong sambit habang bahagyang itinatagilid ang ulo. Ngunit imbes na matuwa ay lalo lamang tumigas ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mariin niya akong tinitigan. Pagkatapos ay sinabi niya sa isang malamig at makapangyarihang tinig na siyang nagpatahimik maging sa hangin ng gabi. "In this house..." Huminto siya sandali bago muling nagsalita. "I am the law." At sa unang pagkakataon simula nang gabing iyon...Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD