"Hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo, Heneral Cerrutti... hindi!"
Halos mawalan ng malay si Mercedita nang marinig niya ang balitang buong lakas kong pilit na binigkas.
Nanghina ang kanyang mga tuhod at bumagsak siya sa sahig dala na rin marahil ng panlulumo sa nakagugulantang na balitang hatid ko.. Agad siyang inalalayan ng mga kasambahay habang ang kanyang mga hikbi ay tila humihiwa sa katahimikan ng buong bakuran.
Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata.
Ako ang nagdala ng balitang magwawasak sa kanilang tahanan.
Ako ang naging saksi sa huling sandali ng lalaking itinuring kong kapatid.
At ako rin ang taong walang nagawa upang iligtas siya.
"Benecio mahal ko..." paulit-ulit na sambit ni Mercedita habang yakap-yakap ang lumang litrato ng kanyang asawa.
"Hindi mo ako pwedeng iwan... nangako kang uuwi ka."
Unti-unting nagsimulang umiyak ang ibang kasamahan sa bahay hindi halos makapaniwala sa trahedyang nagaganap kay Benecio.Walang handang tumanggap sa masakit na katotohanang ilang segundo pa lamang ang nakararaan ay bumaligtad na ang kanilang mundo.
Sa gitna ng kanilang pagdadalamhati ay isang munting tinig ang umagaw sa aking pansin.
"Lola... please, huwag ka nang umiyak." Isang batang babae ang dahan-dahang lumapit kay Mercedita. Mahigpit nitong niyakap ang matanda habang pinapahid ang mga luha sa kanyang pisngi gamit ang maliit nitong mga palad.
Napako ang aking paningin sa bata.
Marahil ay sampung gulang pa lamang ito. Mahaba ang maitim na buhok, maputi ang kutis, at may mga matang puno ng inosente at pag-aalala.
"Nenefe..." nanginginig na sambit ni Mercedita habang niyayakap ang kanyang apo.
"Wala na ang lolo mo..." Napatigil ang bata.Hindi niya agad naunawaan ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.
"Tulad po ba ni Lola?" mahina niyang tanong.Parang may humawak sa aking dibdib at marahas iyong pinisil.Tumango si Mercedita habang tuluyang napahagulhol.
"Oo, Nenefe kasama na ng Lola Guada mo ang lolo mo sa langit." Unti-unting napuno ng luha ang mga mata ng bata.
"Hindi na po ba siya uuwi?"nanginginig niyang tanong.
Walang nakasagot.Maging ako ay nawalan ng boses.
Ilang ulit kong hinarap ang kamatayan sa gitna ng digmaan. Nakita ko ang daan-daang sundalong mawalan ng buhay sa aking harapan, ngunit wala ni isa sa mga tagpong iyon ang nakapagpabigat ng aking dibdib tulad ng mga luha ng isang batang walang kamalay-malay.
Lumapit ako sa kanya at dahan-dahang iniluhod ang sarili upang magpantay ang aming mga mata.
"baby..." paos kong wika.Tahimik niya akong tiningnan.
"Ang lolo mo ay isang bayani. Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, ang iniisip niya ay ang kaligtasan ng kanyang mga kasama... at higit sa lahat, ang pag-uwi niya sana sa inyong dalawa."
Napayuko ako.
"Hindi ko siya nailigtas."
Ang apat na salitang iyon ang pinakamabigat na naibulalas ko sa buong buhay ko.
Mahigpit kong ikinuyom ang aking mga kamao habang ang konsensiyang pilit tinatakasan ay muli na namang bumalot sa aking pagkatao.
Kung ako lamang ang natamaan ng bala...
Kung ako na lamang ang namatay...
Marahil ay hindi ganito ang sinasapit ngayon ng pamilyang iniwan ni Benecio.
"Then who are you?" inosenteng tanong nito habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mapupungay nitong mga mata.
"I'm your grandfather's closest ally," mahina kong tugon habang maingat kong pinunasan ang luhang patuloy na gumuguhit sa kanyang maputlang pisngi.
Hindi siya umiimik.
Tinitigan lamang niya ako, tila ba umaasang babawiin ko ang lahat ng sinabi ko ilang minuto ang nakalipas.
"My lolo is gone..." halos pabulong niyang sabi.
Ang bawat salitang binitiwan niya ay tila punyal na unti-unting tumatarak sa aking konsensya.
Hindi ako agad nakasagot.
Nanginig ang aking mga labi habang pilit kong nilulunok ang bukol sa aking lalamunan.
Naalala ko ang huling sandali ni Benecio
"Lucio... ang pamilya ko ihahabilin ko sila sayo..."
Iyon na ang huling salitang narinig ko mula sa kanya.At ngayon ay narito ako.Nakatingin sa kanyang nag-iisang apo na wala nang hinihintay kundi ang isang himalang alam kong hindi na kailanman mangyayari.
Huminga ako nang malalim bago ko marahang hinaplos ang kanyang buhok.
"I can be your lolo too."
(lolo- lolo pa ngayon kapag hinog ka na Nene pa lolo- nukin ka na nyan😄😄ðŸ¤)
Nanatili siyang nakatitig sa akin.
Parang sinusukat kung maaari ba akong paniwalaan.
"Really?" nanginginig niyang tanong.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
"If you'll allow me... yes." Unti-unting humupa ang kanyang paghikbi.
Mahigpit niyang niyakap ang maliit na teddy bear na hawak niya bago dahan-dahang lumapit sa akin.
"Will you tell me stories like Lolo did?"
"I will."
"Will you play with me?"
"Every chance I get."
"And... will you leave me too?" Napapikit ako.Hindi ko napigilan ang pag-agos ng isang luha.
Sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon bilang isang heneral,sa,edad ko ngayong kwarenta wala akong maisuot na maskara ng katatagan.Pumasok ako sa digmaan na walang iniwang pamilya at ngayon sa nakikita ko sa pamilya ni Benecio tila ba may susuungin akong responsibilidad kaakibat ng kanyang kahilingan bago ito nalagutan ng hininga.
Mahina kong hinawakan ang kanyang maliliit na balikat.
"As long as I still breathe... I won't leave you." Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
Napayakap na rin ako sa kanya.Hindi ko maintindihan subalit nakaramdam ako ng kapanatagan sa unang yakap ng batang si Nene sa akin.
NANG MAHIMASMASAN si Mercedita mula sa matinding pag-iyak ay dahan-dahan siyang lumabas ng bahay. Tahimik niya akong sinundan hanggang sa balkonahe, kung saan tanaw ang madilim na kalangitan at ang mahinang pag-indayog ng mga puno sa malamig na simoy ng gabi.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
Pareho kaming nakatanaw sa kawalan, tila ba pareho naming hinahanap ang mga salitang kay hirap bigkasin.
Humugot ako ng isang stick ng sigarilyo mula sa pakete at isinilid iyon sa pagitan ng aking mga labi. Isang pitik ng lighter ang nagpaliyab sa dulo nito. Marahan akong humithit bago dahan-dahang ibinuga ang usok na agad ding tinangay ng hangin.
Bago pa man ako makapagsalita, si Mercedita na ang unang bumasag sa katahimikan.
"Pwede bang makahingi ng isang stick ng sigarilyo?" Bahagya akong napatingin sa kanya. Hindi ko inaasahang naninigarilyo rin siya, ngunit wala na akong sinabi. Tahimik akong kumuha ng isang stick at iniabot iyon sa kanya. Nang ilagay niya iyon sa kanyang labi ay ako na rin ang nagsindi gamit ang aking lighter.
Saglit na nagtagpo ang aming mga mata habang sumisiklab ang apoy.
"Salamat," mahina niyang bulong.
Tumango lamang ako bago muling humithit.
"I'm sorry for your loss."
Hindi siya agad sumagot. Sa halip ay nagbuga muna siya ng manipis na usok bago mapait na ngumiti.
"Alam mo ba... pangalawang asawa lang ako ni Benecio." Bahagya akong napakunot-noo.
"Noon, sekretarya ako ng kapatid niya. Madalas kaming magkita ni Benecio hanggang sa isang araw... may nangyari sa amin."
Napabuntong-hininga siya.
"May asawa na siya noon. Pilit nya akong iniiwasan pero hindi ako tumigil hangga’t hindi siya napasakin.Hanggang sa tuluyan niyang iniwan ang una niyang pamilya para sa akin."
Tahimik lamang akong nakinig.
Hindi ko siya hinusgahan.
Sa tono pa lamang ng kanyang boses ay alam kong matagal na niyang dinadala ang bigat ng nakaraan.
"Si Alexander..." patuloy niya.
"Siya ang panganay na anak ni Benecio sa una niyang asawa."
Tumigil siya sandali.
"Hindi niya kailanman natanggap ang pagtataksil ng ama niya sa ina niya."
Napayuko siya.
"Lumaki siyang puno ng galit. Madalas silang nagtatalo ng ama nya,nasangkot sa barkada,away naging bayolente, at maaga ring nakabuntis." Napabuntong-hininga ako.
"Where is Alexander now?" tanong ko.
Napapikit siya bago sumagot.
"Nasa kulungan."
Nanginginig ang kanyang boses.
"Nalulong siya sa droga. Kalaunan, siya na rin ang nagbenta ng ipinagbabawal na gamot. Akala niya makakatakas siya sa batas nang mangibang-bansa, pero doon din siya nahuli." Muli kaming nilamon ng katahimikan.Pareho kaming nakatanaw sa madilim na kalangitan.
Makalipas ang ilang sandali ay narinig namin ang munting tinig ng batang babae.
"Lola... inaantok na po ako."
Pareho kaming napalingon.
Nakayakap ang bata sa isang lumang stuffed toy habang kinukusot ang namumulang mga mata dahil sa antok.
Ngumiti si Mercedita at iniabot ang kanyang kamay.
"Lapit ka rito, Nenefe."
Lumapit ang bata at agad na yumakap sa kanyang baywang.
Napangiti ako nang bahagya.
"She's Alexander's daughter," paliwanag ni Mercedita.
"Noong isilang siya, si Benecio ang kumuha ng kustodiya sa kanya. Wala nang ibang mag-aalaga dahil nakakulong ang ama niya."
"What about Nenefe's mother?" usisa ko.Muling naging mapait ang kanyang ngiti.
"Nag-asawa siya ng isang dayuhan.Nasa ibang bansa at nagsimula ng panibagong buhay."
Napabuntong-hininga ako.
"So... she left her daughter behind?" tanong ko
"Dahil wala siyang kakayahang buhayin si Nenefe noon... oo."
Napatingin ako sa batang mahigpit na nakakapit sa kanya.
"You mean... kahit hindi mo siya kadugo..." Hindi ko naituloy ang tanong.
Ngunit alam na niya ang ibig kong sabihin.Marahan niyang hinaplos ang buhok ng bata bago ito hinalikan sa noo.
"Oo.Wala kaming kahit anong dugo na nag-uugnay sa amin.Pero ang pagiging pamilya... hindi lang naman nasusukat sa dugo."
Napalunok siya.
"Simula nang iuwi siya ni Benecio, ako na ang matamang nag aalaga sa kanya,dati bukal sa loob ko kalaunan natanggap ko na dahil na rin sa pakiusap ng lolo niya.
Hindi ko namalayang napatitig ako sa kanilang dalawa.
Sa unang pagkakataon simula nang mamatay si Benecio, tila may nakita akong liwanag sa gitna ng lahat ng trahedyang iniwan niya.
At habang pinagmamasdan ko si Mercedita at ang inosenteng batang mahimbing nang nakapikit sa kanyang dibdib, hindi ko maiwasang isipin ang bilin sa akin ni Benecio.
Napabuntong-hininga ako at tumayo.
"Hindi na ako magtatagal,may aasikasuhin pa ako" tumango lamang ang biyuda,akma ko ng inihakbang ang aking mga paa,subalit isang munting boses ang aking narinig.
"babalik ka pa ba?" paglingon ko ang apo ni Benecio nakatingin sakin habang nakayakap sa kanyang lola Mercedita.
Mahina akong ngumiti at tumango.
"babalik ako Nene Pangako...."