Chapter 1
***
"Nanay andito na po kame" pagkapasok ko sa loob ng bahay.
"Oh ginulat mo naman akong bata ka, yung mga kapatid mo asan na?" Nakangiting sabi ni nanay sakin.
"Nasa labas nay naglalaro na siguro yung mga yun. Nga pala nay happy birthday may regalo ako sa inyo hulaan niyo kung ano." masayang sabi ko.
"Ay naku nak, wala di ko idol si madam auring kaya sabihin mo na." Natatawang sabi ni nanay.
"Nanay talaga ang kj, pero sige na nga ipapakita ko na sa inyo." umupo ako sa tabi niya.
"Ooy si nanay na-eexcite" sabi ko habang dahan dahan na kinukuha sa supot na itim ang regalo ko sa kanya.
"Tsadan, buksan mo na nay dali." Sabay bigay ko sa kanya.
"Naku ha anak ibinalot mo pa talaga, ehmm mabuksan ko nga." Nakangiti siya habang unti unti niyang tinatanggal yung cover.
"Wow nak ang ganda naman, saan ka naman kumuha ng pambili nito?" Gulat na tanong niya.
Isa itong bestida napansin ko kasi na kupas at nag iisa na lang ang bestidang sinusuot niya kapag nagsisimba kami.
" Nay baka isipin niyo kumukupit ako ng pera. hindi ah, ipon ko lang po ito nay, ilang linggo ko atang tinipid iyon baon ko para dyan." nakangiting paliwanag ko..
"Bata ka talaga! Ibinili mo na lang sana ng sapatos mo, tingnan mo iyan suot mo o! mas masaya pa nga yata iyan sapatos mo kesa sayo." Natatawa nitong sabi
"Nanay talaga, Pandikit lang katapat niyan lalaban na ulit iyan sa lakaran!" Pareho kaming natawa
"Kawawa ka naman, pero salamat anak napakabuti mo talagang anak payakap nga si nanay." Sabay yakap sakin ng mahigpit.
"Nanay talaga nambola pa, e sayo naman ako nagmana!" Natatawa kong sabi.
***
Nabalik sa realidad ang isip ko ng marinig ang pagkalampag sa pintuan ng silid ko.
"Hoy Zeinab ako ba talaga ginagalit mo ha, kapag ako namaos kakasigaw sayo humanda ka talaga sakin babae ka." Nagulat ako sa sigaw ni tiyang. Sino ba ang nagsabing sumigaw kayo tapos pag namaos kasalanan ko pa. Syempre di ko yun sinabi sa kanya baka di lang sigaw ang abutin ko pag nagkataon.
"Bakit po tiyang may ipag-uutos po ba kayo?" Malumanay na tanong ko.
"Ito ang pera pumunta ka ng palengke, at mag grocery ka na rin. subra yan iyun sukli ibigay mo sakin, subukan mo mangupit sa kalye ang abot niyong magkakapatid! Nagkakaintindihan ba tayo?" Galit niyang sabi sakin. Lagi niya na lang ipinang tatakot samin iyan. kung alam ko lang na ganito ang sasapitin namin magkakapatid sana hindi na lang kami sumama.
"Opo tiyang." Magtatanong pa sana ako kung asan si ate linda iyun isa pa nilang katulong. Hindi ko na lang itinuloy baka sabihin di ko gustong sundin siya. makaalis na nga ng makabalik agad.
****
"Nay masakit na naman ba ulo niyo, patingin na kaya tayo sa doktor para naman malaman na natin kong ano sakit niyo!" Sabi ko kay inay kararating ko lang galing sa school. Nagulat ko pa ata siya.
"Wag na gutom lang siguro ito, o di kaya dahil sa init dahil tirik ang araw sa labas." Tatayo na sana siya para ipagpatuloy ang paghahanda para sa pananghalian namin.
"Ako na po dyan nay umupo na po kayo!" Pagpigil ko sa gagawin niya at inilapag ang bag ko sa upuan.
"Nanay nakaperfect po ako sa quiz namin, di lang yun nay apat na subject pa yun." Sabi ni Jean habang tumatakbo patungo kay nanay, kasunod naman niya si andrew.
"Talaga bunso ang galing naman, eh ikaw andrew patatalo ka ba sa bunso natin" baling niya kay andrew.
"Syempre, di ata papatalo to, pitong subject lang naman ang naperfect ko sa quiz, oh ate tingnan mo po baka di maniwala si nanay eh." Proud na sabi niya.
"Asus ang hangin oh mukhang liliparin tayo!" Natatawa na sabi ko.
"Eh ikaw ate anong nakuha mo?" Sabi ni jane.
"Ay teka kunin ko lang sa bag at ipapakita ko sa inyo ng malaman niyo kung san kayo nagmana!" Pabirong sabi ko sa kanila, nang makuha ko na ang mga test paper ko agad naman akong bumalik.
"Ito naman ang sakin, lahat lang naman ng subject naperfect ko. Partida exam pa iyan!" Natatawa na sabi ko. Hindi ko alam kung namana lang ba namin ang pagiging matalino o sadyang masisipag lang talaga kaming mag aral. Gusto namin masuklian ang lahat ng sakripisyo na ginagawa para samin ni nanay.
"Ang gagaling naman ng mga anak ko. Basta kayong tatlo pagbutihan ninyo ang pag-aaral ha iyan lamang ang maibibigay ng nanay sa inyo, kung kinakailangan pati gabi ay gawin kong umaga mairaos ko lang ang pag'aaral ninyo gagawin ko! Basta ba ipangako niyo sakin na kahit anong mangyari wag kayong titigil sa pag-aaral niyo ha?" Mahaba na sabi ni nanay habang hinahaplos ang mga buhok ng dalawa kung kapatid habang palipat lipat ng tingin samin tatlo.
"Nanay naman kahit di niyo na po gawin araw ang gabi pagbubutihin pa rin namin ang pag'aaral namin. Diba mga kapatid." Baling ko sa kanila.
"Oo nga po nay alam naman po namin kung ano ang sitwasyon natin sa buhay ngayon!" Sabi ni andrew. Nagpapasalamat narin ako na kahit mahirap lang kame nagpupursige silang mag-aral kahit na walang baon papasok pa rin sila sa school, di rin sila nahihiyang magbaon ng kanin kahit pa toyo ang ulam nila.
"Kumain na tayo at lalamig na ang pagkain. Tama-" natigil ito sa pagsasalita ng may marinig kami.
"Ah, hehe tara kain na po tayo mukhang nagugutom na ang mga alaga ko." Sabi ni andrew Sabay haplos ng tiyan niya. Natawa kami sa sinabi niya
"Ano bang ulam natin nay. Sabay bukas ng takip. Wow my favorite ugbos ng kamote haha." Sabi ni andrew. Alam ko namang nagsasawa na sila sa ulam na ganon pero di lang nila sinasabi.
"Hayaan niyo bukas kapag may magpalaba sakin, bibili tayo ng letchon manok ng makatikim naman tayo ng masarap." Bakas kay nanay ang awa para sa mga kapatid ko.
"Talaga nay yehey makakatikim na rin ako ng letchon bukas." Masayang sabi ni jane.
"Nay gising na po kayo nakaluto na po ako ng almusal natin, kain na po tayo nay." Bungad ko sa pintuan ng kwarto ni nanay, nakakapagtaka naman si nanay ngayon di siya gumising ng maaga. Lumapit ako sa kanya.
"Nay!" Niyugyog ko siya sa balikat. Nagulat ako ng may mahulog na notebook sa sahig. Ngunit hindi ko iyon binigyan pansin.
"Nay!" Bakit subrang himbing naman yata ng tulog niya ngayon. Kinabahan na ako ng makita ang pagbagsak ng isang kamay niya na nakapatong sa dibdib nito.
"Nanay wag naman kayong magbiro ng ganyan. Gumising kayo!" Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. Niyakap ko siya.
"Nay ang niyo naman e! Ang sabi mo pupunta pa kayo sa graduation ko! di ba nga po sabi niyo pa, ikaw ang magsasabit sakin ng medalya ko. Nay gumising na po kayo. Ang daya daya niyo naman po. Ano ng gagawin namin ngayon paano na-" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita si jane.
"Ate bat ka po umiiyak? Natutulog lang naman si nanay di ba kuya?" Baling niya kay andrew na umiiyak na pala habang nakayakap kay nanay, nang makita niya si andrew umiyak na rin siya.
"Nanay diba po bibili ka pa ng letchon ngayon bakit di ka pa gumigising? ate bakit ayaw gumising ni nanay?" Tanong niya sakin, pano ko ba sasabihin sa kanya ang nangyayari ngayon.
"W-wala na si nanay bunso, iniwan niya na tayo." Humihikbi kung sabi. Lumapit siya sakin.
"Ate bakit ganon pano na tayo ngayon?" Imbis na sumagot niyakap ko na lang siya. Kahit ako di ko rin alam kung ano ng mangyayari samin ngayon.
***
Beep Beep beeppppppppp...
Nakarinig ako ng sunod-sunod na pag busina ng sasakyan. Nagulat ako ng makita ang sarili na nasa gitna na ako ng kalsada at huli na para iwasan ko pa ang sasakyan.
"Aaaaaahhhh." Sigaw ko. Nabitawan ko ang mga pinamili ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko. Nakita ko pa ang pagbukas ng pinto at paglapit sakin ng isang matandang lalaki bago pa man ako mawalan ng malay.