Chapter 3

1241 Words
Mahigit isang linggo na matapos ang pangyayaring iyon. Walang sigaw, sampal, sabunot, kurot na dumadapo sa mga katawan namin nitong mga nakaraang araw. Pero alam ko na pansamantala lang iyon. "Ano yan? hindi pa rin tapos! Diba ang sabi ko sayo unahin mo munang labahan ang mga damit ko bago ang mga damit nila!" galit na galit na sigaw ni kate. Pinahid ko ang bulang napunta sa mukha ko ng ibato niya ng malakas sa palanggana ang iba pa niyang mga damit. Hindi ko siya pinansin at bumalik sa pagkukusot. Ayoko ng gulo kaya hanggat maaari ay magtitimpi akong lumaban. "Sumagot ka kapag kinakausap ka!" nakatingalang nakahawak ako sa buhok ko ng bigla niya itong hablutin. "Ayoko ng gulo kate please lang." pakiusap ko sa kanya ngunit hindi ito nakinig sa pakiusap ko. "E kung ayokong tumigil may magagawa ka ba ha?" napapikit ako ng mga mata habang tikom ang aking bibig dahil sa naramdamang sakit sa anit ko nang lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit lalaban ka na ba? lumaban ka dali! " nang iinis nitong sabi. Nabigla ako ng inginudngod niya ang mukha ko sa palanggana. Inalis ko ang kamay niya sa buhok ko saka kuyom mga kamay na tumayo ako at hinarap siya. Aabotin niya pa sana ang buhok ko ngunit sinuntok ko siya sa mukha. Nagulat ako sa ginawa ko. Hindi ko gustong manakit pero sumusobra na kasi siya. Sapo ang ilong na napaatras siya. "Walanghiya ka!" Nang makabawi ay kaagad niya akong sinugod. Tumakbo ako palapit sa may lababo kung saan nakalagay ang iba pang mga palanggana na may lamang tubig. "Ano ba kate nasasaktan ako!" saad ko ng mahawakan niya ang buhok. Balak niyang ilublob ang mukha ko sa tubig ngunit lumaban na ako. Kahit anong pagtitimpi pa ang gawin ko kung demonyo ang kaharap ko mapapalaban talaga ako. Nang makawala ako sa kanya sinabunotan ko siya at siya ang nilublob ko sa palanggana. "Sumusobra kana kate! Pinilit ko ng umiwas para wala ng gulo pero ayaw mo akong tigilan!" Kahit na nagpupumiglas siya, Patuloy ko pa rin na inilulob ang mukha niya. Wala na akong pakialam kung mapatay ko man siya. Sobra ng pang aapi ang ginagawa nila sa amin ng mga kapatid ko. Nabitawan ko siya ng biglang may sumuntok sa tagiliran ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit. Nakita ko si Ryan na dinaluhan ang kapatid niya. Inubo-ubo ito ng mag angat ng mukha niya. Naguilty ako sa ginawa ko, muntikan ko na siyang mapatay. Hindi ko intensiyon gawin iyon ngunit kung hindi ko ginawa baka ako naman ngayon ang lunurin niya. Nakita ko ang pagpasok ni tiyang. "Anong nangyari?" tanong nito sa mga anak niya. "Naabotan kong nilulunod ni Zeinab si kate jan." sumbong ni ryan kay tiyang. "Walang hiya ka talaga! ikaw ang papatayin ko! pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya, Papatayin kita!" Galit na galit ito. Kinuha niya ang timba na walang laman at ipinalo ito sa akin. Ikinulong ko ang aking ulo sa dalawa kong kamay upang hindi ito matamaan. "Tiyang tama na po maawa na po kayo sakin! Siya naman po ang nauna hindi po ako!" pagmamakaawa ko. Nang makahanap ng pagkakataon tumayo kaagad ako at tumakbo palabas ng pinto ngunit hinarangan ako ni ryan. Hinablot niya ang buhok ko at itinulak ako pabalik. "Tiyang, ta-tama na po!" kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin ko hindi niya ako pinakikinggan. Tila naging bingi ito at walang naririnig. Sinampal niya ng paulit ulit ang mukha ko. Ramdam ko na ang pamamanhid ng mga pisngi ko. Hindi pa siya nakuntento sa ginagawang pag sampal sa pisngi ko. "Halika ditong bwesit ka!" Hinawakan niya ako sa buhok at kinaladkad palapit sa lababo. Binuksan niya ang gripo at inilulob ang mukha ko sa palanggana. Nag pumiglas ako ng hindi makahinga. "Anong pakiramdam ng ginaganyan? masaya ba?" Sigaw nito ng iangat niya ang mukha ko. Hindi pa ako nakakabawi sa paghinga ng ilublob niya ulit ang mukha ko. Akala ko titigilan niya na ako ngunit hindi pa pala siya tapos. Kinaladkad niya ako palabas ng at binaybay ang daan papuntang basement. Wala akong magawa para pigilan siya. Nanghihina na rin ang katawan ko. Gusto kong umiyak ngunit parang naging manhid na at natuyo na ang mga luha ko. Itinulak niya ako papasok sa loob dahil sa sobrang panghihina ng katawan ko nawalan ako ng balanse at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Naramdaman ko na tila may gumagapang sa mukha ko. Kinapa ko iyon ganon na lang ang takot ko ng makitang dugo pala iyon. Unti unti na ring nanlalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. "Anak ko.." Nakangiting salubong sa 'kin ni nanay. "Nanay, anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ko. Nasa gitna kami ng malawak na taniman ng mga bulaklak. may mga natatanaw rin akong mga puno at may naririnig akong agos ng tubig. Napakaganda ng paligid, para akong nasa isang paraiso. "Dito ako nakatira?" nangunot ang noo ko. "Nakatira? di ba po magkakasama tayo? sila andrew at jane nasaan po?" naguguluhang tanong ko. "Anak huwag mong pababayaan ang mga kapatid mo. Alagaan mo sila." "Hindi ko po kayo maintindihan nay." "Bumalik ka na at hinihintay ka na ng mga kapatid mo. Palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo." lumuluhang saad ni nanay. "Nay bakit po ako lang ang babalik? samahan mo akong hanapin ang mga kapatid ko. " "Gustuhin ko man ngunit hindi na pwede anak. Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo mahal na mahal ko kayo." tumulo ang luha ko ng maramdaman ang mahigpit niyang yakap. "Malalagpasan mo rin ang mga pagsubok na nangyayari ngayon sa buhay mo. magtiwala ka lang sa panginoon, basta kahit anong mangyari huwag na huwag mong pababayaan ang mga kapatid mo." Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo ko ngunit nang idilat ko ang mga mata ko ay wala na siya at mag isa na lang ako. "Nay, nasaan ka? huwag mo akong iiwan. Sasama ako sayo nay!" pumalahaw ako ng iyak ng hindi ko na makita si nanay. "Anak gising!" Nagising ako ng maramdaman ang pag yugyog sa balikat ko. Mukha ni nanay linda ang nakita ko. Iginala ko ang paningin sa paligid. "Nay linda, si nanay? nasaan si nanay? nandito siya kanina kayakap ko lang." hinaplos niya ang mukha ko. "Anak isa lang iyong panaginip, wala na ang nanay mo." Saka lang bumalik sa isip ko ang mga nangyari. "Ang tiyang po tsaka si kate nasaan sila? ano pong nangyari?" nagtatakang tanong ko ng malamang nasa hospital ako. "Nawalan ka ng malay. Tatlong araw ka ng tulog, salamat sa diyos at gising ka na." bakas sa mukha nito ang saya. Mabuti pa si nanay isa lamang siyang katulong sa bahay ng tiyahin ko ngunit kung ituring niya ako at ang mga kapatid ko ay parang mga anak niya na, samantalang ang mga tunay naming kadugo ay ginagawa lamang kaming mga punching bag nila at utusan. Gusto ko ng umalis ngunit iniisip ko lang ang mga kapatid ko dahil baka mas lalo silang mahirapan. Wala kami sa probinsiya, hindi ko alam kung paano kami mabubuhay dito sa lungsod kaya tiyak ako na mahihirapan kaming mamuhay. May kaunti akong pera na naitatabi ngunit hindi pa iyon sasapat. Kapag nadagdagan na ang ipon ko saka na kami aalis ng mga kapatid ko sa impyernong bahay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD