Wala akong ibang gawin kundi ang tumunganga sa silid na ito. Panonood lang ng mga palabas sa telebisyon ang libangan ko. Gusto ko sanang tumulong sa kusina ayaw naman akong payagan ni nanay baka daw magalit si tiyong. Binigyan din pala ako ni tiyong ng sariling ATM card, gamitin ko daw kung may gusto akong bilhin ngunit ni minsan hindi ako nagtangkang gamitin iyon. Ang magkaroon lang kami ng katahimikan ng mga kapatid ko ay sapat na sa akin iyon.
"Ate! bumaba ka na daw kakain na." Tawag sakin ni jane. Tiningnan ko lang siya. Nang di pa ako kumikilos ay patakbo itong pumasok sa loob, sumampa sa kama at nagtatalon.
"Bunso 'wag malikot nahihilo ako!" Awat ko sa kanya, umupo naman siya sa harap ko.
"Ate ang ganda ng kama mo mas malambot kesa sa kama namin." Masayang saad niya.
"Akala mo lang yan." Nakangiti kong sabi sabay gulo sa buhok niya. Ang laki ng ipinagbago ng mga buhay namin simula nong umuwi si tiyong. Kitang- kita ko sa mga mata ng kapatid ko ang saya. Bumukas ulit ang pinto at iniluwa non si andrew.
"Jane diba inuutusan kang tawagin si ate!" Nakasimangot niyang sabi habang lumalapit sa 'min.
"Ate o! si kuya ang sungit sungit na porke senyorito na siya ngayon." pabirong sabi ni jane.
"Ah ganon! sungit pala ha! ito sayo." Kiniliti niya ng kiniliti si jane. Tawa naman ng tawa si jane.
"Tigilan mo na 'yan." Saway ko kay andrew. Sinamaan ko sila ng tingin ng mabatid ko kung ano ang binabalak nila nang magkatinginan ang mga ito. Tatayo na sana ako ng hawakan nila ang magkabila kong kamay at agad na kiniliti napahiga ako sa kama.
"Ano ba tama na! " tumatawang saad ko. Napatigil kami ng bigla na namang bumukas ang pinto. Kaagad kaming umayos ng upo ng makita si tiyong.
"Pumanhik na kayo sa baba at kakain na tayo." Nakangiti niyang sabi. Akala ko ay magagalit ito dahil hindi kaagad kami nakababa. Mabilis na tumayo ang dalawa at nauna ng lumabas sa silid ko.
"Bakit hindi mo isinusuot ang mga damit na ibinigay ko sayo Zeinab?" Tanong niya sa akin.
"Hindi po kasi ako komportable sa mga ganoong damit tiyong." Mahinang saad ko.
Binigyan niya ako ng mga damit ngunit hindi ko iyon sinusuot dahil sa sobrang iksi ng mga short at puro spaghetti strap pa ang pang itaas.
"Hindi mo ba nagustuhan? si kate ang inutusan ko na bumili ng mga iyon." Kaya naman pala ganon na lang kaiiksi ang mga damit dahil si kate ang bumili.
"O siya kumain na tayo." saad niya at nagpatiuna ng lumabas ng silid.
Masamang tingin kaagad ni kate ang una kong napansin pagpasok namin sa kusina. Hindi ko na lang ito pinansin at umupo na sa katabing upuan niya.
"Feelingera! kailangan talaga sunduin pa para lang kumain!" bubulong bulong na saad niya sapat na upang marinig ko. Nang iinis na nginitian ko lang siya.
Nang matapos kumain ay nagyaya ang mga kapatid ko na maligo sa pool. Sasamahan ko lang sana sila ngunit pinagkaisahan ako ng dalawa nang bigla nila akong itinulak sa pool. Nagtatawanan naman sila na tumalon na din sa tubig.
"Kayo talagang dalawa! ang kukulit niyo." saad ko sabay kurot sa dalawa, mahina lang iyon kaya sa halip na masaktan ay tinawanan lang ako.
"Ate alam mo ba hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala." saad ni Jane.
"Oo nga ate! sana hindi na umalis si tiyong baka kasi kapag umalis siya saktan na naman tayo nila tiyang." saad naman ni andrew.
"Huwag kayong mag-alala kapag sinaktan nila tayo ulit, aalis na tayo dito." sagot ko sa dalawa. Naisip ko na rin iyon kaya naman nag ipon ako ng pera. May ibinibigay rin sa akin si tiyong na pera imbes na ipangbili ko ay inipon ko na lang iyon.
"Paano tayo aalis ate eh wala naman tayong pera?" nagugulohan na tanong ni andrew.
"May pera akong naipon at sapat na iyon para makapagsimula tayo." mahinang saad ko.
"Talaga ate?" hindi makapaniwala na tanong naman ni Jane.
"Oo, sekreto lang natin." pabulong kong saad dahil baka may makarinig sa amin. Nanlalaki naman ang mga mata nila sa nalaman.
"Huwag na nating pag-usapan pa iyon at baka may makarinig pa sa atin." saad ko sa mga ito.
"Laro na lang tayo!" saad ni andrew sa halip na na magtanong pa.
"Sige pero anong laro?"
" Pabilisan sa paglangoy, kung sino unang makarating sa kabilang side syempre siya ang panalo. Lahat ng iuutos ay gagawin ng dalawang nahuli sa paglangoy. Ano game?"
"Game!" sigaw nilang dalawa.
Basa na rin naman na ako kaya inenjoy ko na lang ang pagkakataon na makabonding ko ang dalawa kong kapatid. Napapangiti ako ng lihim kapag nakikita ko silang masaya. Simula nong kinuha kami ni tiyang ay ngayon ko na lang ulit sila nakitang masaya.
Hating gabi na ngunit hindi parin ako dalawin ng antok. Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya lumabas ako ng silid at tinungo ang kusina upang kumuha ng tubig.. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil may liwanag namang pumapasok galing sa labas. Nang matapos uminom ay kaagad din akong umakyat. Bubuksan ko na sana ang pinto ng silid ko ng makarinig ako ng kaluskos sa may terrace.
Hindi ko na sana papansinin ngunit naisip ko na baka magnanakaw iyon kaya naman dahan dahan akong lumapit sa terrace. Sumilip ako sa gilid ng pinto, salamin iyon kaya makikita ko kaagad kung may tao. Nakita ko si tiyong kasama si kate.
Hindi ko gaanong naririnig kung ano ang pinag-uusapan nila dahil nagbubulongan ang mga ito. Dala na rin ng kuryosidad ay hindi muna ako umalis at mas lalo pa akong lumapit. Madilim sa pwesto ko kaya hindi nila ako mapapansin kung mapapatingin man sila sa direksiyon ko.
Natutop ko ang sariling bibig habang nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat nang makita kong hinalikan ni kate si tiyong sa labi.
My gosh hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Nakita kong isinandal ni tiyong si kate sa dingding at hinalikan ito sa leeg niya habang ang kanyang mga kamay ay naglalakbay sa masisilang parte ng katawan ni kate at ganoon din naman ang kamay ni kate.
Nakita kong hinihimas himas nito ang maselang parte ni tiyong. Pinagpalit ni kate ang pwesto nila ni tiyong. Si tiyong na ang nakasandal ngayon sa dingding. Napasinghap ako nang makitang lumuhod si kate tapos ibinaba niya ang pantalon ni tiyong saka walang pag-aalinlangan na isinubo nito ang ari ni tiyong.
Hindi ko na nakaya pa na panuorin ang ginagawa nilang kataksilan. Mabilis akong bumalik sa silid ko. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ni kate iyon. May relasyon ba silang dalawa? Paano nangyari iyon at kailan pa nila ginagawa iyon? Paano si tiyang? alam niya kaya ang nangyayari sa asawa at sa anak niya? mga katanungan na gumugulo sa isipan ko.