Hindi ko magawang magsalita matapos marinig ang sinabi ni Alexander. Parang may kung anong nawala sa aking puso na hindi ko maipaliwanag. Sa totoo lang ay sobrang sakit ng aking dibdib na minsan ay hindi ko mapigilang mapaisp na baka ay hindi ko makayanan ang sakit at tuluyan na nga akong sumuko. Sobrang nasaktan talaga ako noong nakita ko siyang lumabas ng kaniyang opisina kasama si Amera. Parang hinahati ang aking puso na hindi ko maipaliwanag. Iyon na ata ang pinakamasakit na aking naramdaman kaya hindi ko mapigilang maiyak na lang. Kahit kailan ay hindi ako umiyak kahit sobrang sakit na, pero pagdating sa lalaki ay gumagawa ako ng mga bagay na hindi ko ginawa noon. Ganito ba talaga ang magmahal? Kung alam ko lang na ganito pala kasakit mahalin ang isang Alexander Bryle Wynknight ay h

