Nagising ako kinaumagahan na masakit ang buong katawan. Lalong-lalo na ang aking gitna na parang may malaking bagay na pumasok sa loob. Hindi ko magawang igalaw ang aking mga hita dahil sa sobrang sakit. Mahapdi rin ang aking gitna at parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Nakasalampak ako sa malambot na kama at walang kahit na anong saplot sa katawan. Nakabalot sa akin ang malambot at mabangong comforter para hindi ako lamigin. Nakaunan ako sa isang matigas na bagay at kahit na hindi ko tingnan kung ano 'yon ay alam ko na na braso 'yon ni Alexander, na ginawa kong unan. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at napapikit ulit nang masilaw ako ng ilaw na nagmumula sa labas ng binatana. Ayaw ko talaga na nasisilaw ako sa umaga, dahil imbes na maging maganda ang mood ko ay nasisir

