Hindi mapakali si Beatrice matapos buksan ang kaniyang cellphone. Walang kahit ni isang message si Narine doon kaya hindi niya mapigilang kabahan. Malapit ng gumabi at umuwi si Bryle pero ang babae ay wala pa rin. May usapan silang dalawa na bago mag gabi ay dapat nakauwi na ito dahil baka ay may makapansin na wala ito. Pero mag aalasingko na lang ay wala pa rin ang babae. Nakatanggap na rin siya ng mensahe na paparating na si Bryle. Sobrang lakas nang t***k ng kaniyang puso na para bang sasabog na ito ilang minuto mula ngayon. Pabalik-balik siya na naglalakad dahil sa sobrang nerbiyos. Halos maubos na rin ang kaniyang mga kuko kakakagat niya sa mga iyon. Ngayon lang ata siya naging balisa nang ganito ka lala sa buong buhay niya. Nag-aalala siya kay Narine at syempre sa buhay niya. Kahi

