Sobrang sakit ng ulo ko na para bang pinukpok ito nang paulit gamit ang matigas na bagay. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ako nawalan ng malay, pero isa lang ang sigurado, tuluyan na nga akong tinangay ng Tita ni Lexie at ang hayop na Colt Alonzo na iyon. Nang ibuka ko ang aking mga mata kanina ay sumalubong sa aking ang napakadilim na silid. Hindi ko tuloy makita kung nasaan ako ngayon. Hindi rin ako makapag-isip nang maayos dahil na rin sa aking ulo na hanggang ngayon ay sobrang sakit pa. Mabuti na lang talaga at sa harap nila tinali ang aking dalawang kamay at hindi sa aking likuran. Kaya nahahawakan ko pa rin ang aking ulo na kay sugat na. Tuyo na rin ang kaninang umaagos na dugo. Noong unang pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata at nalaman na dinudugo ang aking ulo ay

