"T-truth?" What does she mean truth? Gaano ba kabigat ang katotohanan na iyan para magawa niyang patayin si Lexie? I don't understand. Kahit na sabihin niya siguro ang dahilan ngayon, hindi ko alam kung maiintindihan ko ba iyon. Dahil lang sa nalaman ni Lexie ang katotohanan ay pinatay na niya ito. Kahit na magkadugo man sila. Does the truth really matters compared to Lexie's life? It makes me sick thinking na meron pa palang mga taong ganito. Na mas pinoprotektahan pa ang bagay na ikakasira nila kaysa sa sarili nilang kadugo. Hindi ko maintindihan at kahit kailan ay hinding-hindi ko talaga ito maintindihan. It makes me sick and feel bad especially to all the people who experienced the same case as Lexie. If only selfish people like Donna doesn't exist. "Yes the truth! Kung hindi lang s

