Ilang araw na ang nakalipas mula noong nabalitaan na patay na si Lexie. Sobrang tahimik ng mansyon at walang kahit ni isa sa mga kasambahay o tauhan ang sumubok na mag-saya. Everyone was disheartened by the news of Lexie being chopped to death. Maliban doon ay naawa rin sila sa kanilang ma'am na si Narine na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa nangyari sa kaibigan. Naiintindihan nila ang nararamdaman nito. Maging sila ay nasaktan din noong nalaman na namatay na pala si Ma'am Lexie. Kahit na ilang araw lang nilang nakasama ang babae ay naging parte na rin ito ng kanilang buhay. Napaka bait nito sa kanila at kung ituring sila ng babae ay parang normal lang na magkaiban. Pala biro ito at alam ang kaniyang limitasyon kaya gustong gusto nila ang babae. Nang malaman nila na patay

