"P-po? What does these r-red circles mean?" my voice were trembling as I said those words. Sobrang lakas at bilis nang pintig ng aking puso na halos ay hindi na ako makahinga nang maayos. Ang kaninang nanlalamig kong mga kamay ay ngayon ay nanginginig na. Pagkatapos kong makita ang mapa na nilahad ng policeman sa lamesa ay parang na blangko ang aking isipan. Kung ano-anong eksena ang pumasok sa aking isip na hindi ko mapigilang manlumo. Naguguluhan ako kung ano ba ang pinapahiwatig ng policeman na nag report sa akin na natagpuan na daw si Lexie. Ano ang ibig sabihin ng mapa na pinakita niya? Bakit may mga pulang bilog sa iba't ibang lugar? Nalilito ako at naguguluhan. Ayaw kong mag over think pero pakiramdam ko ay may masamang nangyari kay Lexie sa mga panahong hindi ito nagparamdam sa

