Sobrang tahimik ng paligid na wala akong kahit ni isang ingay na narinig maliban na lang sa tunog ng alon at ang tunog ng mga dahon na tila nagsasayaw sa agos ng hangin. Napakapayapa sa pakiramdam, hindi lang sa paligid. Napaka presko din ng hangin hindi katulad sa syudad na ayaw ko na lang magsalita dahil sa hindi ko naman alam sasabihin. Ibang-iba ang simoy ng hangin dito sa isla kumpara sa syudad. Payapa din dito at ang maririnig mo lang talaga ay ang mga tunog na nanggaling sa kalikasan, hindi kagaya sa syudad na puro ugong ng sasakyan maririnig mo at mga bunganga ng taong hindi marunong manahimik. Kung bibigyan siguro ako ng pagkakataon sa hinaharap, pipiliin ko siguro na tumira na lang dito. Walang problema at walang iniisip na iba. Hindi ka talaga ma s-stress kong dito ka nakatira

