"Ah… ang sakit," hindi ko mapigilang daing sa sobrang sakit ng aking gitna. Dahan-dahan akong bumangon paupo at hindi mapigilang mapangiwi dahil sa sobrang sakit na bumalatay sa aking katawan. Sobrang sakit ng aking balakang lalong-lalo na ang aking gitna na parang pinasukan ng isang napakalaking bagay. Kahit na kahapon pa nangyari iyon ay pakiramdam ko ay nasa loob ko pa rin si Alexander. Maliban sa masakit ang aking buong katawan lalo na sa bandang gitna ng aking hita at balakang, masakit din ang aking lalamunan dahil sa kasisigaw ko kahapon. Namamaos ang aking boses at sa tuwing magsasalita ako ay napakaliit ng aking tinig na halos hindi ko na marinig ang aking sarili. Mabuti na lang at effective iyong gamot na pinainom sa akin ni Alexander kanina at kahapon. Tamad na sinandal ko ang

