"Lexie! What happened to you?" malakas na saad ko at mabilis na nagpumiglas sa pagkakarga ni Alexander at dali-daling bumaba. Mabilis na tumakbo ako papunta sa babae at kahit masakit at mahapdi ang aking gitna sa tuwing gumagalaw ako ay ininda ko lahat nang iyon at lumapit sa kaibigan. Umupo ako sa kaniyang tabi at mahigpit na hinawakan ang kaniyang magkabilang braso. Sobrang lakas nang kabog ng aking puso na para bang lalabas na ito sa loob ng aking katawan. Nanlalamig din ang aking buong katawan dahil sa sobrang pag-aalala at hindi mapigilang manginig ng aking mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya na naluluha at puno ng sakit ang ekspresyon habang nakatingin sa akin pabalik. Hindi ko mapigilang mapakagat ng a

