Matapos ang nangyari ay sobrang awkward ko na kay Alexander. Hindi ko alam kung ano ang klase ng pakikitungo ang gagawin ko sa kaniya. Sa tuwing nakikita ko kasi ang kaniyang mukha ay hindi ko mapigilang pamulahan ng buong mukha dahil sa kahihiyan. Parang sasabog din ang aking puso sa sobrang hiya at pinaghalong ibang emosyon. Hindi ko alam na ganito pala ang magiging epekto dahil sa aking nalaman. It felt so weird but at the same time funny. Nahihiya ako kahit na alam ko naman sa aking sarili kung ano si Alexander pag dating sa mga bagay na iyon. Iyon nga lang ay hindi ko mapigilang mahiya kahit na ilang beses na naman ang may nangyari sa aming dalawa. Hindi pa ako sanay at sa tingin ko ay matagal pa bago talaga ako tuluyang masanay sa ganito. Sa totoo lang ay dapat nakampante na ako d

