Hindi ako makagalaw at parang na bakal na ang aking katawan. Kahit anong pilit na igalaw ko ang aking kamay o hindi kaya ay paa, hindi pa rin ito nagagalaw. Gulat lang akong nakatingin sa kaniya na nakatingin din sa akin na may nagbabagang mga mata. Para na ring sasabog ang aking puso sa sobrang lakas nang pagkabog nito. Hindi ko inakala na makikita ko dito ang lalaki. Matagal na noong huli ko itong nakita kaya hindi ko talaga maiwasan na magulat. Lalo pa at ang naging unang interaction namin ay hindi maganda. Malinaw pa rin sa aking isipan ang kaniyang sinabi sa akin noon at ang kaniyang ginawa kaya hindi ko talaga madaling malimutan ang lalaki. Hindi ko ito nakita noong una at pangalawang araw na nandito ako kaya hindi ko mapigilang makampante. Sa totoo lang ay ayaw kong makita ang la

