Sobrang lakas nang kabog ng aking puso na para bang lalabas na ito sa aking katawan. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang aking mararamdaman habang nakatingin sa babae na may malaking ngiti sa kaniyang mga labi. Halo-halo ang emosyon na dumadaan sa aking puso habang nakatingin pa rin sa kaniya. Naestatwa ako sa aking kinauupuan at hindi makagalaw. Just looking at her smiling face, I can really tell that she's pretty. Halata sa magandang mukha nito na wala itong dugong Filipino. Napaka puti nito at matangkad. Mahaba at makapal ang pilik mata na para bang kapag iiyak ito ay magniningning din ang kaniyang mga pilik mata. Maliit at matangos ang kaniyang ilong at parang isang butil ng bigas ang porma ng kaniyang mukha. Para siyang hindi tao dahil sa sobrang kagandahan nito. Noong una ko siyan

