Sobrang bilis lumipas ng panahon at hindi ko man lang namalayan na mamayang gabi na pala ang birthday party ng Lola ni Alexander. Parang kahapon lang kasi noong pumupunta pa ako sa mansion nila para makipag-usap sa matanda at kung ano-ano pa. Handa na rin ang gown na susuotin ko mamaya kahit na noong last week pa lang ako kinuhanan ng sukat. Parang nag double work ang mga stylist dahil na rin siguro sa demand ng Mama at Lola ni Alexander. Napaka excited nilang dalawa na para bang susuotin ko 'yon sa kasal namin ni Alexander. Kahit na ako dapat ang maging excited dahil birthday na ng Lola ni Alexander ay parang naging baliktad pa. Mas excited ata sila na makita ako na nakasuot sa gown na pinagawa nila kaysa sa mismong gown na pinagawa nila para sa kanilang sarili. Mukhang napasobra ata sil

