"Huh?" Hindi ko mapigilang mapatanga dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko ene-expect na sasabihin niya ang mga katagang iyon. Never did in my life I expect those words coming. Parang natamaan ako ng malakas na kidlat at hindi makagalaw sa aking kinauupuan. Nakanganga lang ako at nanlalaki ag mga mata na nakatingin sa kaniya pabalik na may madilim na mukha. Ang kaniyang mala chestnut na kulay na mga mata ay malamig at madilim na nakatingin sa akin pabalik. Na para bang galit ito ngayon dahil sa aking sinabi kanina. Parang hindi nito nagustuhan ang aking tanong na nagpalito sa akin. Nagtatanong lang naman ako, bakit mukha pa itong galit? Wala namang masama sa aking tanong pero base sa kaniyang sagot ay mukhang ayaw nitong makipaghiwalay o tapusin ang deal namin. Imbes na maging masaya ako ay

