Chapter 1
“Hi Andie!” masiglang bati sa kaniya ng kaibigang si Chelsea kasabay ng pagbeso nito.
“Happy birthday!” aniya sa malakas na tinig, na pilit sinasabayan ang malakas na tugtog sa paligid.
They were in an exclusive beach resort in Puerto del Cielo. Doon ginanap ang party nito. She did not intend to attend that party because she hates it, but it was really chaotic at home. Kailangan niya munang lumayo roon para makapag-isip-isip.
“Come inside,” malawak ang ngiting anyaya sa kaniya ng kaibigan, sabay hila sa kamay niya papasok.
The said resort was owned by one of Chelsea’s friends. Marami sa bisita roon ay halos kilala rin niya, because they came from elite families here and Manila. Karamihan din doon ay mga nag-aaral sa Puerto del Cielo University kagaya niya.
Dinala siya ni Chelsea sa mismong beach kung saan nagkakatuwaan ang karamihan, at ang ilan ay mga nagsisisayaw. May mangilan-ngilan din siyang nakitang naliligo sa dagat.
“Here. . .” Iniabot nito ang isang baso ng champagne na kinuha nito sa waiter na dumaan.
“Thanks.” Tinanggap niya iyon saka dahan-dahang sumimsim.
“I’ll leave you here na, ha? I will just entertain some of my guests,” paalam ni Chelsea. Patalikod na ito nang muli siyang harapin. “And Andie, please. . . care to join some of our friends. Ayoko namang may isa sa mga bisita ko ang hindi nag-e-enjoy sa party ko,” pahabol pa nito bago siya tuluyang iniwan.
Napailing na lang siya. Alam ng kaibigan kung gaano niya ka-hate ang mga parties na ganoon.
Sa totoo lang, ilan lang naman talaga sa eskwelahan nila ang maituturing niyang kaibigan. Isa na nga roon si Chelsea. And her only bestfriend was her Ate Aurora, na kaaalis-alis lang dahil sa nangyari rito.
Now that she was alone, her father, Don Federico Monte Bello, would be all eyes on her. The manipulative old man will never get her out of his sight. Kung hindi nga lang dahil sa mama niya, baka tumakas na rin siya sa kanila at sumama sa ate niya.
She sighed. Pagkuwa’y malungkot na iginalang muli ang paningin sa paligid. May ilan doon ang bumabati sa kaniya na ginagantihan naman niya ng pilit na ngiti.
When she got bored, nagtungo siya sa bar at naupo sa isang sulok doon. Nilaro-laro niya ng daliri ang alak sa loob ng baso habang nakatingin sa kawalan. Ilang beses din siyang bumuntonghininga, at pagkatapos ay wala sa sariling isinubo ang daliring idinampi sa alak.
“Does it taste much better?” amused na tanong ng isang baritonong tinig mula sa kaniyang tabi.
Hindi naman niya ito pinansin. Wala siyang panahon para makipagbiruan sa mga sandaling iyon.
“Can I have some?” pangungulit pa nito. At sa pagkabigla niya ay basta na lang nito kinuha ang kaniyang daliri na nakadampi sa alak, at walang ano-anong isinubo iyon!
Namilog ang kaniyang mga mata na napatitig sa nakangising lalaki.
“Hmmm. . . masarap nga,” nakalolokong wika nito na bahagya pang pumikit. Tila ninanamnam nito ang alak sa bibig.
Mabilis niyang binawi ang kamay rito. Pakiramdam kasi niya, may milyong-milyong boltahe ng kuryente ang nanulay mula sa mga labi nito papunta sa kaniyang puso. And her heart started to beat erratically.
She looked at the man beside her. Mula sa malamlam na liwanag ng ilaw, kitang-kita niya kung paanong ang mala-agila nitong mga mata ay nagingislap sa pagkaitim niyon. His wavy hair, same as the color of his eyes, was darker. Maihahambing iyon sa balahibo ng uwak. He has a prominent nose and a chiseled jawline. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan na animo'y alagang-alqga sa gym. And, he also has a bit hairy bronzed skin.
Pagkatapos pasadahan ng tingin ang lalaki ay nanlisik ang kaniyang mga mata. “Are you insane?” galit na tanong niya rito. She wanted to divert her feelings, dahil pakiramdam niya, ay nauubusan na siya ng hininga sa pagwawala ng kaniyang puso.
Nakangiting umiling ang lalaki.
“I am not,” anito at sumimsim ng alak sa baso nito, habang nakatingin sa kawalan.
Natigilan naman si Andrea. Matiim niyang pinagmamasdan ang estranghero. There was something in his eyes na hindi niya mawari. Somewhat, sadness. And. . . guilt.
But. . . there’s more.
May mas malalim pa siyang nababasa bukod doon. Mas matinding emosyon na nagpanindig ng kaniyang mga balahibo. Because there was a burning anger in his eyes!
“Huwag mo akong tingnan nang ganiyan. I am not a good man you know,” nakangising sabi nito nang hindi siya nililingon.
Bahagya naman siyang napapitlag sa narinig. Ang takot na unti-unting namamahay sa kaniyang dibdib ay nadagdagan pa.
“But. . . I can be a good company if you’d like.” Muli siya nitong hinarap. “I could sense there’s something bothering you. Care to tell me?”
Pilit niyang itinago ang nadarama at pakunwang uminom pagkatapos ay hinarap ito. “And why would I do that? You don’t know me, and I don’t know you,” she said sarcastically.
“Well, hindi ba mas maganda nga iyon? We are strangers to each other. At least you weren’t expecting something from me in return. At alam mong hindi ako magsisinungaling if I gave comments to your suck life. Iyon ay kung hindi ako nagkakamali ng sapantaha,” nakalolokong tugon nito.
Naningkit ang mga mata niya. “You don’t have the right to say that. Hindi mo ako kilala.” Diniinan pa niya ang mga katagang binigkas.
Nagkibit ito ng mga balikat. “Well, ikaw rin.”
Napataas naman ang isang kilay niya. “Talaga! So, if you’ll excuse, Mr. Judge, I don’t have time to talk to you about your sucked life,” ganti niya sabay tayo.
“Whoa! Not so fast, honey.” Iniharang nito ang braso sa kaniyang daraanan.
Nang titigan niya ang mga mata nito, para iyong nagbubuga ng apoy sa galit. Pero taliwas sa itsura nito na nakangiti.
Binalewala niya iyon. Agad niyang tinabig ang braso nito at dere-deretsong iniwan doon ang lalaki.
She didn’t like overconfident men na para bang pag-aari nila ang mundo. Iyong tipong para silang mga hari, na napasusunod nila lahat ng babae sa kanilang mga gusto, which made women vulnerable most of the times.
Men should know that women were not like that anymore. Na hindi porke’t babae ay wala ng maibubuga at hindi puwedeng pagkatiwalaan.
Just like her father na wala ng ginawa kun’di pangunahan siya sa mga desisyon niya. Sila ng mga kapatid niya.
She, of all people, doesn’t want to be controlled by him. Ayaw niyang parang isang robot na kung ano lang ang sasabihin, iyon lang ang dapat na gawin.
But she knew na kahit anong gawin niyang pagpoprotesta ay hindi siya mananalo sa ama. And that’s why she hates her father so much. Lalo na ngayon at umalis na ang Ate Aurora niya. Lalo lang mapupunta sa kaniya ang atensyon ng ama.
“Hey, Andie, care to dance?” tanong ng isa niyang kaklase na si Rob nang lapitan siya nito. Malapad itong nakangiti sa kaniya habang nakalahad ang isang kamay.
Wala namang pag-aatubiling tinanggap niya iyon.
At the back of her mind, may malakas na puwersang nagtutulak sa kaniya para gawin iyon. A sign of being a rebel that wanted to escape from her within.
Rob brought her in the middle of the crowd. She danced just like the others endlessly, and even laughed so hard na parang wala sa kaniyang sarili.
Hindi na niya namalayan kung gaano katagal siyang sumasayaw, hanggang sa unti-unti siyang makaramdam ng pagod. Mabilis niyang nilisan ang dance floor. Naupo sandali sa isang tabi upang tumayo rin pamaya-maya.
She went out and go straight to her car. Pagkapasok sa driver’s seat ay kaagad siyang pumikit. Hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.
The sun was already high when she woke up. Dali-dali niyang binuksan ang ignition ng sasakyan at umuwi. Nakikini-kinita na niya sa isip kung ano ang dadatnan sa kanila. And she was readying herself for that.
Well, hindi naman nga siya nagkamali. Nasa driveway pa lang siya ay nakita na niya ang ama na nakaabang sa harap ng portico ng bahay nila. She parked her car and went out.
Tuloy-tuloy siyang naglakad patungo sa kinatatayuan ng kaniyang papa.
“Where have you been?” dumadagundong na tanong nito nang makaharap siya.
“Somewhere I can think,” taas-noong tugon niya bago ito nilagpasan.
“At kailan ka pa naging bastos?” nag-iigting ang mga bagang na tanong nito.
Napatigil siya sa paghakbang at muli itong hinarap. “Why don’t you ask yourself kung bakit? I supposed hindi kayo mahihirapang sagutin iyon.” At pagkasabi niyon ay muli niya itong tinalikuran.
Hindi niya alintana ang sunod-sunod na pagtawag nito sa kaniya. Tuloy-tuloy lang siya loob ng kanilang bahay hanggang sa makarating sa kaniyang silid .
Wala na siyang pakialam kung magalit nang tuluyan ang kaniyang ama. Dahil kahit wala naman siyang ginagawang masama, lagi lang din siya nitong napag-iinitan. After all, hindi naman ito marunong umunawa at umintindi.
**
“Pagsabihan mo iyang anak mo Consuelo,” nanggagalaiting wika ni Don Federico sa asawa pagpasok niya sa kanilang silid.
“Nagtalo na naman ba kayo?” kunot-noong tanong nito nang lingunin siya.
Huminga siya nang malalim.
“I am not strict to them just for my own cause. Ginagawa ko ito para sa kanila. If they can’t see it that way, then, wala na akong magagawa kung magalit man sila sa akin. I just want what I think is best for them,” mariing wika niya.
Si Consuelo naman ang napabuntonghininga.
“They knew that. Kahit sina Sebastian at Antonio alam ang bagay na iyan. It’s just that. . .” Hindi nito maituloy ang sasabihin.
“It’s just that what? That those two wanted different things? That those two wanted freedom? Iyon ba ang gusto mong sabihin, ha, Consuelo?” nanunuot ang mga titig na tanong niya sa asawa.
Sinalubong naman nito ang kaniyang mga mata.
“Aurora and Andrea wanted different things, yes. But they still followed you even if it means sacrificing their own happiness. So, please, Federico. . . just let them be. Huwag mo ng hintayin pa na magaya si Andrea kay Aurora. I couldn’t bear to lose two daughters at the same time. Siguro, kung pababayaan mo lang si Andrea na gawin ang iba pang bagay bukod sa mga nais mo para sa kaniya, maybe she will listen to you and try to understand you more,” nakikiusap na tugon nito.
Natigilan naman si Federico, pero ilang sandali lang iyon. Muli ay naging matigas ang mukha nito.
“Hindi ko ipakikipagsapalaran ang buhay nila sa ganiyang ideolohiya. When they have their own family, malalaman din nila kung bakit ko ito ginagawa,” aniya at muling iniwan si Consuelo sa kanilang silid.
Isipin na ng mga anak niya kung anong gustong isipin ng mga ito laban sa kaniya, pero hindi na magbabago pa ang kaniyang mga pasya.
His decisions will always be the rules in their house no matter what. As long as he lives.