Pagdating ng tanghali ay natanaw na nila ang lungsod na pinangangalagaan ng kanilang himpilan. "Malapit na tayo." Wika ni Aya sa ginoo. Napapagitnaan sila ng mga kawal sa paglalakbay na iyon. "Sa wakas ay makakakain narin tayo." Lumapit sa kanila si Makoy na kanina ay siyang nasa unahan. "Pinuno." Tawag nito sa kanya. "Ano iyon?" Tanong naman niya. "Papalapit po si pinunong Makisug." Sagot naman nito. Doon lamang pinagtuunan ni Aya ang mag-isang tumatakbong kabayo sakay ang pinunong kanangkamay ng heneral nila. "Bakit mag-isa lamang siya?" Naitanong ni Aya. Mataas ang katungkulan nito sa kanilang himpilan kaya naman ay bibihirang makita itong walang kasamang mga kawal sa labas ng kanilang himpilan. "Sabihan mo ang lahat ng ating kasama na huwag ipagbigay alam na kasama natin ang pr

