Part 1 chapter 9

1322 Words
Agad na nagbalik si Alena ngunit natagpuan niyang nasa labas ng silid ang lahat ng mga patapagsilbe ng reyna. Maging ang mga tagapagsilbe din ng Hari ay nasa labas. "Paggalang sa Binibine." Bati kay Alena ng mga tagapagsilbe na naroon sa labas ng silid ng reyna. "Papasukin niyo ako." Wika niya sa dalawang lalaking tagapagsilbe na nakaharang sa saradong pintuan. "Paumanhin binibine ngunit bilin po ng Hari na walang papapasukin kahit na sino." Sagot naman ng kawawang tagapagsilbe. Agad namang nag-alala si Alena sa Hari at Reyna. Sa mata ng karamihan ay wagas ang pagmamahalan ng dalawang tinitingalang at iginagalang na mag-asawa dahil sa kabila ng walang anak ang Hari sa tiyahin niya ay nananatili parin itong reyna. Ngunit ang totoo, dahil sa wagas na pagmamahalang iyon ay nawalan sila ng tiwala sa isat-isa, laging nagbabangayan at madalas na hindi magkasundo pagwala ng ibang nakakakita sa kanila. "Hindi ko kailangan ng pahintulot mo." Hindi nagpapigil si Alena ngunit nabaliwala din ang pagpupumiglas niya sa mga tagapagsilbe dahil ng maabut na niya ang puntuan ay may salamangkang nakaharang doon kaya kahit naitulak niya pa ang pinto ay hindi parin siya makapasok. Nakita niya ang hari at reyna na nakaupo at natigil sa pag-uusap. Saglit pang napatingin ang mga ito sa kanya saka nagpatuloy sa pag-uusap. Ang mga tagapagsilbe naman ay nagsiluhod nalang ng nakayuko at bakas sa mukha ng mga ito ang takot. Hindi niya rin marinig ang usapan sa loob. 'Ano itong pinag-uusapan nila na hindi ko maaaring malaman?' Tanong niya sa sarili. Nakita niyang napatayo ang reyna matapos may sabihin ang hari. Bakas sa mukha ng reyna ang pag-aalala na animoy hindi makapaniwala sa sinabi ng hari. "Hindi...iyon magagawa ng aking ama?" Hula ni Alena sa mga salita na binigkas ng reyna ayon sa pagbukas ng bibig nito. 'anong kinalaman ni lolo sa usapang ito?' Hindi masagot ni Alena ang mga tanong sa kanyang isipan. Wala siyang magagawa dito kaya naman ay ipinasiya na lamang niyang umuwi. Habang sakay si Alena ng karwahe ay patuloy ang kanyang pag-iisip. Patuloy na nadaragdagan ang mga katanungan sa isip, 'ano bang maaaring gawin ng pangkalahatang pinuno ng Agela na maging ang reyna ay hindi makapaniwala?' Naalala niya ang mga sinabi sa kanya kahapon ni Gube, ang tungkol sa tumitinding digmaan sa hangganan. "TABI KAYO!" Sigaw ng tagapagsilbe ni Alena na siyang nagpapatakbo sa karwahing sinasakyan niya. Nasa labas na sila ng kabahayan ng hari at nagmamadali si Alena na makauwi. Maraming mga nilalalang ang nagkalat sa daan ng pamilihan na siyang tinatahak nila. Agad namang nagsisigilid ang mga ito ng makilala ang karwahe niya. Walang sino man ang mangangahas na humarang karwaheng may palatandaan ng Agela. Ngunit sa hindi inaasahan, muntik pang masubsob si Alena sa biglaang paghinto ng sinasakyan niya. "Gusto mo bang magpakamatay?" Narinig ni Alena na wika ng kanyang tagapagsilbe. Napasilip si Alena sa bintana ng kanyang karwahe at nakita ang Tao na nakaluhod sa tagapagsilbe niya. 'Anong ginagawa niya dito?' "Alam mo ba kung sino ang sakay ng karwahing ito?" Sigaw pa ng tagapagsilbe. Malaki ang kabahayan ng Agela at itong Tao ay sa mga kabayo nagtatrabaho. Marahil ay hindi pa nakita ng kanyang tagapagsilbe ito dahil kahapon pa lamang ito dumating sa kanilang kabahayan. Pag-angat ng mukha ng Tao ay agad na napansin ni Alena ang mga mata nitong patunay na isa itong tao, ang lahi na nagnanais sumakop sa kanilang kaharian, ang kalaban. Lumabas si Alena ng karwahe at hindi na natuloy sa pagsasalita ang pulubing tao. Natulala na lamang itong nakatitig sa kanya hanggang sa nakababa na siya at abutin ang mga kamay nito. "Tumayo ka." Pahintulot niya dito. Tumayo naman ito na animoy walang sariling pag-iisip at nakatigtig lamang sa kanya. Samantala, ang mga nilalang naman sa paligid ay tuwang-tuwa at nasilayan siya. Lalo na ang kanyang kabutihang puso. Ngunit alam din naman niya na galit naman ang kanyang matatamo sa mga kalahing nakakaalam o makakaalam na ang kanyang tinutulungan ay mula sa kalabang lahi. "Nasugatan ang iyong siko, hayaan mong gamutin kita." Wika pa ni Alena na unti-unting pinag-aaralan ang pagkakakilanlan ng taong kaharap. Iniisip niyang marahil kaya hindi nagalit ang kanyang lolo kahapon ng makita ito ay dahil kapanalig nga ito. Idinampi ni Alena ang sariling kamay sa may sugat nitong siko at saka nagpalabas ng salamangka upang paghilumin ang sugat na natamo ng tao. Hindi nakalagpas sa mga mata niya ang makinis nitong balat. Nahihinuha niyang hindi ito nakaranas ng hirap sa buhay. Marahil ay isa itong ginoo o panginoon. Ngunit ang malaking tanong ay kung bakit natagpuan niya ito sa kweba ng Agela na halos mamatay na? Nang maghilom na ang sugat ay sinalubong ni Alena ang nahuhumaling na mga titig nito. Mga matang hindi natatakot at hindi nag-aalangang makipagsalubungan ng tingin. Isang latigo ang humagupit dito na nagpagising sa pagkahumaling. Kagagawan iyun ng tagapagsilbe ni Alena. Si Alena naman ay bumalik na lamang sa loob ng karwahe. "Lapastangan KA! Anong karapatan mong salubungin ang paningin ng binibini?" Pagpapagalit ng tagapagsilbe niya sa Tao. "Tama na yan." Awat ni Alena at muling tiningnan ang Tao. "Hirot." Sabi niya sa tao na hindi naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Ang ibig sabihin ng Hirot ay ingat. Nais kitang makilala, nais ko ding malaman ang pangalan mo ngunit hindi ka nagsasalita. Kaya mula ngayon ay Hirot na ang itatawag ko sayo." Patuloy ni Alena. 'Bilang paalala narin sa aking sarili na kailangan kong mag-ingat mula sayo.' Napatango ang tao, nais nitong magsalita ngunit ayaw niyang malaman ni Alena na nagpapanggap lamang siya. "Umalis na tayo dito." Utos ni Alena sa tagapagsilbe niya kaya walang nagawa ang kanyang tagapagsilbe kundi hayaan na lamang ang Tao at bumalik na sa kinauupoan nito saka pinatakbo na ang kabayo. Wala na sa paningin ng pulubi ang karwahing sinasakyan ni Alena ngunit nakatingin parin ito sa tinahak na daan. Isa namang lalaking pulubi ang nagmamadali at nag-aalalang lumapit sa naunang Taong nagpapanggap ba hindi nakakapagsalita. "Prinsipe ayus lang po ba kayo?" Tanong ng  pulubi sa Taong nagpapanggap. Isang masamang tingin ang natanggap lamang nito. "Patawad, hindi ko sinasadya, hindi na po mauulit." Agad namang hinging paumanhin nito ng mapagtanto ang pagkakamali. Tumuloy ang karwahing kinapapalooban ni Alena sa kabahayan ng Agila. Nang marating nila ang bakuran ng tanggapan ng Pangkalatahang pinuno ay bumaba na si Alena at naglakad na paakyat ngunit hindi na siya nakapasok ng tanggapan dahil hinarang siya hindi lamang isa kundi maraming mga kawal. "Binibine, hindi po kayo maaaring magtuloy sa tanggapan ng Pinuno." Wika ng isang Kalbo na nasa likuran ng namamahala sa kanila na bibihira lamang magsalita ngunit yun ang pangunahing nakaharang sa kanya. "Nais kong makausap si Lolo." Sabi naman niya na animoy pakikipagtunggali ng tinginan sa nakaharang na kawal. "Wag mo na kaming pahirapan pa Binibine, mahigpit na bilin ng Pinuno bawal KANG pumasok." Ang kalbo muli ang nagsalita. Alam ni Alena ang taglay na lakas ng kapangyarihan ng kawal na nasa harapan niya. Hindi lihim sa kanya ang naging pagsasanay nito. Sa katunayan ay kasabayan nito ang kanyang tagabantay na si Asa at ang ampon ng lola niya. Ngunit kung gugustuhin niya ay wala naman itong magagawa dahil hindi naman siya nito maaaring saktan. Lumikha si Alena ng Salamangka upang maglaho sa kinatayuan, gayunpaman ay hindi din naman siya agad na nakaalis dahil hawak na ng namamahalang kawal na iyon ang braso niya. "Bitiwan mo ako." Utos niya. "Sana bago ka humakbang ay mabilang mo muna kung ilan ang makakatanggap ng parusa dahil sayo." Napangiti ng bahagya si Alena dahil minsanan lamang itong magsalita ngunit malaman. "Kung hindi ako hahakbang, hindi ko alam kung mabibilang ko pa ang masasawi kapag hindi ko mabago ang pagpapasiya ni Lolo." Wika naman niya. Kahit na naglaho na siya ay pakiramdam niya nakikikita parin siya nito ng makatagpuan niya ang mga mata nito. Isa ito sa mga napaparusahan gayun pa man ay unti-unti lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya hanggang sa binitawan na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD