Nilukob ako ng kaba nang makita kong may papalapit na dalawang lalaki sa amin. Napatingala ako kay Natalia pero nasa bagong dating na kasama ang paningin niya. Wala akong mabasa na emosiyon sa mukha niya. "Anong kailangan niyo?" bungad ni Natalia sa dalawang lalaki. Halos matabunan ako ng kanilang mga anino nang nasa nasa harap na namin sila. Iniwas ko ang aking paningin. Naglapat ang labi ko at napahaplos ako sa aking kanang braso. "Ilipat daw natin siya. Sabi ni Boss," imporma ng isa sa kanila. Natigilan ako. Kaagad akong napalingon kay Natalia dahil doon. "Saan?" "Sa harap pero dapat hindi pa rin siya makikita kapag tatawid tayo roon." Napabaling tuloy ako sa lalaking nagsabi niyon. Una ko siyang pinakitaan ng hindi pangsang - ayon. Hanggang sa tinapunan ko rin ng tingin ang kasa

