Chapter 1
NAPAYAKAP AKO sa aking mga tuhod. Taas - baba ang aking balikat, napatingin sa paligid. Nagbabasasakaling malalaman ko kung anong mangyayari sa amin sa susunod na araw.
Halos mabingi ako sa alulong ng iba ko pang mga kasama. Ang isa sa amin ay nawalan na nang malay sa kakasigaw. Lahat kami ay parehas ng dalangin. Na sana ay palabasin kami sa masikip na kwartong pinagkulungan namin.
Pero bingi ang mga taong kumuha sa amin. Hindi na rin ako magtataka na mamaya't maya ay uulanin na naman nila kami ng hapdi. Hindi na rin ako magtataka na baka may isa na naman sa amin ang mawalan nang ulirat.
Ikalawang araw ko na rito sa masikip na kuwartong ito. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa utak ko kung paano nila ako kinuha. Sa dinami - daming babae na pwedeng kinadpin sa oras na iyon ay talagang napatanong na ako sa sarili ko kung bakit ako.
Na bakit ako? Ang dami ko nang problema sa mundo. Ano pang masisimot nila sa akin na hindi naman ako mayamang tao. Ang dami ko nang tanong sa mundong ibabaw na hanggang ngayon ay hindi ko makuhanan nang sagot. Ni wala akong malapitan kapag nangangailangan ako ng tulong. Ni hindi na ako makakain ng maayos sa loob ng isang araw. Pero bakit sa akin pa nangyari ang lahat ng ito? Kulang pa ba ang mga masasamang karanasan ko kaya't nagdesisyon ang kapalaran na dagdagan naman iyon?
Ano bang mayroong sa katawang lupa ko at panay ako ang nilalapitan ng malas? Masyado ba niya akong mahal kaya ako ang panay niyang binibisita? Kung ganoon man ay hindi na nakakatuwa. Talagang mapapamura ka sa kabwesitan ng buhay. Taragis lang!
Nanahimik akong tumayo sa harap ng building na pinagtrabahuan ko. Naaantay lang ako ng jeep na pwede kong masakyan pauwi. Akala ko pa noong una ay aba! Ang swerte ko naman at may isang van na nag - stop sa harap ko. Pero binawi ko rin ang sinabi ko nang maanalisa kong uso pala sa lugar na iyon ang mawawalan ng bata at tao.
Kahit anong bilis ng pagtalikod at pag - eskapo ko nang panahong iyon ay naabutan pa ako ng mga lalaking iyon. Naalala ko pa kung paano nila ako sapilitang pasakayin sa isang lumang puting van. Ni hindi ko na makuhang pumalag dahil tinutukan na nila ako ng baril.
Ang huli ko lang naalala ay pinusasan nila ako; at ang mga mata ko ay nilagyan ng piring. May pina - amoy sila sa akin kaya nawalan ako ng lakas at ako'y nakatulog.
Nagising nalang ako na may kasama na ako sa maduming kwarto na ito. Lima lang kaming babae rito pero iyong amoy ay halos hindi ko na maisikmura. Iyong ihi ng mga kasama ko ay nagkalat sa kung saan.
Swerte na kung papayag ang tagabantay na lalabas kami para mag - cr. Kaya lang ay kapag masamang tao ang kinakausap mo ay talagang mahihirapan kang kumbisihin sila sa gusto mo. Dahil ang nakatanim sa isip nila baka aalis kami at tatakas. Na totoo naman talaga. Kahit ako kapag may pagkakataon lang na makalabit iyang lock diyan sa pintuan ay talagang kukuripas ako ng takbo para lang makaalis sa lugar na ito. Pero sa sitwasyon namin ngayon, mahirap talagang makatakas. Tanging maliit na bintana lang ang pinagkunan namin ng sariwang hangin. Maliban sa exos fan na nandoon ay wala nang ibang mapagkukunan.
Habang pumapatak ang oras ay mas lalo akong nangamba. Mas lalong tumindi ang hangarin ko na tumakas sa lugar na ito. Inaalala ko si Nathaniel. Sigurado akong hinahanap na ako niyon. Dalawang araw na niya akong hindi nakikita kaya paniguradong kung anu - ano na ang iniisip niyon.
Pero paano makatakas sa lugar na ito. Maliban sa unti - unti nang nawala ang lakas ko ay paniguradong may nag - aabang din sa pintuan. Imposibleng walang nagbabantay. Mahalaga kami sa isipan nila kaya imposibleng pababayaan lang nilang walang nakatingin sa amin.
Naiisip ko pa lamang iyon ay mas lalo akong pinaghinaan ng loob. Nagsimulang sumungaw sa mga mata ko ang mga luhang pinigilan kong ilabas. Napayuko na lang din ako.
Pambihirang buhay ito! Halos lahat nalang ata ng masasamang pangitain ay nasalo ko. Paano ko ba lalampasan ang lahat ng ito?
Kung wala lang talaga akong inaalala ay baka hindi ko pa makuhang magreklamo na dinukot ako. Sa isang tao tulad ko, mas gugustuhin lang talaga namin na malagutan ng hininga kung wala kaming pinanghahawakan. Mas gustuhin nalang namin na mawala para kahit papano ay maibsan iyong paghihirap namin. Kahit na alam namin na pagkatapos niyon ay sa empiyerno ang kinahahantugan namin. Eh kaso ay may iiyak kapag nawala ako. May masisirang buhay kapag hindi ako nagpakita.
Sinubukan kong tumayo at lumapit sa pintuan. Sinubukan kong sumigaw at magpabukas ng pinto. Umaasang sa ganoong paraan ay makikinig sila sa sigaw ko. Pinagdadamba ko pa iyong matigas na bakal na pintuan kahit na masakit sa braso at balikat. Ginawa ko iyon para lang pansinin nila ako, kami. Ilang beses ko ginawa iyon hanggang sa napagod ako. Naipatong ko iyong mga kamay ko sa magkabila kong mga tuhod.
"Hoy! Hindi pa kayo tatahimik ha!" Sigaw ng isa sa taga bantay.
Napatindig ako nang marinig ko ang sinabi nila. Nagsimulang magkarambola ang puso ko. Lalo na nang marinig ko ang yapak nila. Kaagad akong napaalis sa pintuan. Bumalik ako sa pwesto ko at binaluktot ang sarili sa kadahilanang isang emosiyon ang lumukop sa sistema ko.
Kinain ko na rin iyong sinabi ko kanina. Bukod sa mahihirapan kang makatakas ay mahihirapan ka na rin pala mag - isip kapag nasa ganito kang sitwasyon. Talagang kakainin ka ng takot ang sistema mo. Parang kanaring aso na nabahag ang buntot. Kung ganito nalang ang takot ko ay paano ako makakuripas ng takbo? Gayong alam ko na isang daanan lang ang pwede kong gamitin.
Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang pinakaasam namin lahat. Napatingin kami sa pintuan nang magsimulang magkampana ang mga susi sa pandinig namin. Biglang lumiwanag ang mukha ko. Umaasang may mangyayaring himala kahit na otsenta'y porsiyento niyon ay negatibo. Maging ang mga kasama ko ay pareho ng reaksiyon sa akin.
Biglang lumitaw sa harap namin ang dalawang lalaking kasing laki ng bouncer ang pangangatawan. Napalunok ako sa aking nasaksihan. Nanlinsik ang mga mata nila kaya ang naiisip kong pag - asa kanina ay biglang naupos sa isipan ko.
"Sino iyong gumawa ng ingay kanina, ha!" Dumagundong ang boses ng lalaking kalbo.
Napapitlag ako. Nayakap ko ulit ang mga tuhod ko. Umaasang sa ganoong paraan ay maprotektahan ko iyong sarili ko.
"Hindi kayo sasagot?"tanong ulit nito.
Naiwas ko ang paningin ko nang biglang hinampas nito sa sahig ang latigong dala. Napapikit ako. Hindi ko makayanan ang tulis ng tinig nito. Hindi man iyon lumapat sa balat ko ay nagsitaasan naman ang balahibo ko. Naisip ko kung gaano kahapdi iyon sa katawan. Isang hampas lang siguro no'n ay parang natusta kana sa init.
"Ano! Ayaw niyo sabihin? O paglatiguhin ko kayong lahat nang magtanda kayo!" Pang - ulit ng kalbo sa amin.
"S- siya po!" Tinuro ako ng dalagang babae na siyang dahilan para umangat ang mukha mo at tanawin siya. Napamulagat pa ang mata ko nang may idinudugtong pa siya,"S-siya, siya iyong nag- ingay kanina."
Napabaling sa akin ang tingin ng dalawang lalaki. "Ito?" Tinuro ako ng kasamang kalbo na may earrings sa kanang tainga. "Siya?" Sabay tingin niya ulit sa nagsumbong.
Magkasunod na tumango ang dalaga. Hindi ko mabilang kung nakailang tango siya sa lalaki para lang masagot ito ng maayos.
"Ah! Si fresh na babae, P're!"
Napailing ang kalbo. "Akala ko pa naman ay matahimikin kang tao. Bumigay karin pala."
Lumapit siya sa akin. Napalunok ako. Napaatras na rin sa kadahilanang alam ko na kung anong gagawin nila sa akin.
"Sayang! Maganda ka pa naman. Pero nag - ingay ka eh. Unfair naman sa kasama mo kapag hindi kita pinatikim nito."
Halos maputol ang ugat ng leeg ko sa lakas ng sigaw ko sa kwartong iyon. Parang dinaganan o kinagat na kung ano ang braso ko dahil sa latay ng latigo. Napahiga na ako dahil hindi ko makayanan ang sakit. Isang latay palang iyon pero dalangin ko'y hindi na iyon lumapat sa balat ko. Naligo na ako sa sarili kong pawis.
Napaigtad ulit ako nang maramdaman kong humalik sa likod ko latigong dala ng lalaki. Talagang mahina ang kapit ko sa mga anghel. Ilang beses ko sinambit sa aking isipan na sana ay hindi na masundan ang sakit na iyon pero nanatiling bula ang dasal na iyon.
Napatingala na ako. Sobrang hapdi, mas lalong humapdi dahil iyong suot ko ay puno na nang pawis. Sobrang alat niyon kaya parang nilagyan ng asin ang pinaglatiguhan niya. Lahat nang kaya kong maisigaw ay lumabas sa bibig ko.
"Tama na ho! Tama na!" pagmamakaawa kong sambit sa kanila.
"Huwag ka kasing mag - ingay. Ayan tuloy, nakatikim ka rin ng sentensiya." Hinablot ni kalbo ang buhok ko at sinabunutan iyon. " Ayaw sana namin madungisan iyang katawan mo. Sayang ang kinis. Tiyak na pagkaguluhan ka ng bilyonaryo. Kaya lang naging bad girl ka eh. Nakatikim ko tuloy."
Marahas niyang binitawan ang buhok ko. Kung hindi lang ako naging maagap ay tiyak na malakas ang hampas non sa sahig. Napapikit ako. Hindi ko na alam kung saan banda ng katawan ko ang uunahin ko sa pag - alo.
Hindi pa man ako masyadong nakabawi ay nararamdaman kong may humawak sa kamay ko. Kusang napabangon ang ulo ko. Sinipat ko kung anong ginawa nila sa mga kamay ko. Nang mahulaan ko ano ang gagawin nila ay kusang kumilos ang paa ko.
Masakit man ang katawan ko pero hindi ko iyon ininda. Parang nakipaglaban ako kay kamatayan nang nagtangka silang pusasan ang kamay ko. Kusa akong napalayo sa kanila kahit na may dinadaing pa ako. Pero kahit anong palag ko sa kanya ay hindi sapat ang lakas ko. Unti - unting humina ang katawan ko. Idagdag na rin ang dalawang araw na walang maayos na pahinga. Parang lumabas sa oras na iyon ang lahat ng kahinaan ko.
Namalayan ko na lang na hindi ko na magalaw ang braso ko. Maging ang nga kamay ko ay nawalan na nang kalayaan na makagawa ng kahit ano. Napasalpak ulit ako sa maruming sahig.
Hindi ko ugali ang madaling sumuko pero sa oras na iyon natutong akong maging mahina.
Na siyang hindi ng matanggap sistema ko.