Nagulo ang buhay ni Elena Natividad nang dinukot siya pagkatapos niyang magtrabaho. Halos hindi na niya makayanan ang pinagdaanan niya sa kulungan. Tinatagan lang niya ang kanyang sarili dahil alam niyang may naghahanap sa kanya. Na may umaasa pa rin sa kanya kung hindi siya nagpapakita. Kaya mas nanaig ang hangarin niya na makatakas sa lugar na iyon.
Ang hindi niya lang alam, hanggang kailan. Hanggang kailan pa niya matiis ang lahat ng pinagdaanan niya. Na alam na niya sa kanyang sarili na wala na siyang ibang maasahan sa mundo kung hindi siya lang.
Pero ang hindi alam ni Elena. May nagbabantay at nagmamatyag sa kanya. Hindi nga lang alam ng taong iyong kung paano siya lapitan.
WARNING: MATURE CONTENT
Maria Juana Magsalong 'ugh!' Talagang hindi maiwasan ng dalaga na mapapikit kapag inuusal na ang kanyang pangalan. Sa dinami - dami ba naman na pwedeng ipangalan sa kanya ay iyon pa talagang Maria. Hindi pa nakontento ang mga magulang niya. Dinugtungan pa ng Juan, na siyang dahilan kung bakit tinuktukso siya kung minsan sa eskwelahan. Pakiramdam niya ay parang siyang isang dalagang na hindi makabasag pinggan, hindi pwede paglaruan, mayumi, kagalang - galang.Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit nawawala siya sa huwestiyo kapag nakaharap niya ang isang Tyler Buenaver. Kilala kasi ito sa pagiging basag - ulo dahil na rin sa background ng pamilya nito.Lahat na ata na pinakatagu - tago niyang ugali ay lumalabas lalo na kapag nakasagutan niya ito. Isang hapon, pagkauwi niya sa bahay. Napakunot ang noo niya nang may kausap ang Mama niya sa sala na isang lalaki. Bago sa kanya ang mukha nito at pati na rin ang pananalita nito. Akala niya ay kung ano na ang pakay nito, pero ang nakakagimbal sa puso niya.Ay ang sabihin nitong balat - kayo lang ang dala - dala niya na pangalan.
Conan Amando's family is the typical modern - type. Pinapaaral nila si Conan para pagdating ng panahon ay magkakaroon siya ng maayos at maunlad na buhay. As a good and responsible son, he fufills their wishes in spite of the crisis. So he studied at a prominent university.
Then. she met Alejandra Olivera , a fresh Criminology student that is happened to be his classmate in some of his minor and major subjects. Pagkakita pa lang niya sa dalaga sa corridor ay parang may sariling isip ang puso niya. Doon niya nalaman na parati nang maghahanap ang kanyang mga mata sa pigura at presensiya ng dalaga.
But the young lady despise him. Kung gaano kagusto ni Conan na makita ang si Alejandra ay kabaliktaran naman ang gusto ng dalaga. Ayaw niyang makita at mas lalong ayaw niyang makitang ngumingiti ito sa kanya. Leading them in an often clash. It's like it is their routine before the class will going to start. Good thing Conan knows how to capture her evasion heart. Hindi kaya ng lalaki nang hindi siya pinapansin ng dalaga. So he sometimes ends up sitting beside her.
Then one day, their batch got suprised by a sudden news. Conan Amando drop all of his subjects.
The reason? Seldom knows.
Napilitang samahan ni Alejandra Delgado ang kanyang pinsan na si Diana sa bayle na idinaos sa bayan nila. Sa totoo lang ay hindi siya mahilig sa okasyon. Sinamahan nalang niya si Diana kahit labag sa kalooban niya. Kahit na mas matanda lang ito sa kanya ng isang taon ay hindi niya ito makuhang tanggihan dahil sa alam niya ang ugali nito. Kaya bilang paghahanda , nagsuot si Alejandra ng isang dress kahit hindi niya tipo ang ganitong mga kasuotan. Muntik pa sila hindi matuloy dahil nasira ang mood ng pinsan niya. Papasok na sana si Alejandra sa kotse ng Tito niya nang biglang may umugong na sasakyan. Napatingin pa siya rito dahil sadyang napukaw ang atensiyon niya. Ang hindi lang niya inaasahan ay bigla itong hihinto at pumarada sa likod ng kotse ng Tito niya. Nagtaka pa siya dahil bigla pa itong lumapit sa kanya gayong hindi naman niya ito kilala. "Ricardo?" takang tawag ng Tito niya sa lalaking nakaharap nila. Pero si Alejandra ay nagtaka dahil kilala ito ng Tito niya pero hindi siya. Ni hindi nga ito nakita ni minsan na naglagaglag sa bayan.
Sanay nasi Emilia Fontana sa kakaibang paniniwala at pamumuhay ng Ante niyang si Crisana Fontana. Mula sa pananamit, galaw, at maging ang pamamaraan ng pananalita nito na napakapormal; tila napag - iwanan sila ng panahon dahil sa estilo nito. Bilang respeto ay hindi niya ito kuniwestiyon. Bagkus ay ginaya niya ito at ginawang huwad.
Kakatwa lamang dahil pagkatungtong niya ng dalagita ay tila naintindihan na niya kung bakit ganoon ang paniniwala ng Ante niya. Tuluyan nang pumasok sa isipan niya na maaaring sa ganoong tipo na gustong mamuhay ang Tiyahin niya. Makaluma ngunit makapormal.
Ang hindi lang niya inaasahan ay sa paglipas ng panahon. Palaging may nagpapakita sa kanya ng mga simbolo. Kung saan - saan ay nagpapakita ang mga ito, bagay na ikinagulo ng isip, maging ng buhay niya.