Prologo
Kunot ang aking kilay, hindi maipinta ang mukha habang nakatitig sa baston na aking hawak. Ginagalaw ko pa ito, inikot - ikot. Umaasang may makikitang kakaiba sa bagay na ito. Mas kumunot ang aking noo nang mapagtantong wala man lang nagbago rito. Maliban sa kulay nitong kayumanggi na kumikintab tuwing inikot - ikot. Kakaiba rin ang mga desinyong nakaukit sa baston dahil napakadetalyado. May nakita pa akong kurteng malaking ibon na hindi ko mawari kung bakit ganito ang itsura. Nakabukad ang mga pak-pak nito. Ang mata ay animo'y parang buhay na nilalang kung makatitig. Nanlilisik, tila hinahukay ang kaloob - looban mong kaluluwa.
Binalingan ko ang aking Tiya na nagmamasid sa akin. Tinapunan ko siya nang nangunguwestiyon na tingin.
Imbis na tigunin niya ako ay kabaliktaran ang nangyari. Lumapit siya sa akin at kinuha sa aking kanang kamay ang hawak ko na baston. Napakurap ako.
"Hindi mo dapat pinakialaman ang bagay nang hindi sa iyo, Emilia." Tumalikod ito sa akin at ipinasok nito sa kanyang kwarto ang naturang bagay. Bagay na mas lalong ipinagtaka ko dahil pinili na nitong ipasok sa pribado nitong kwarto ang baston. Kanina kasi nang hindi ko pa ito ginalaw ay nakapatong pa ito sa estante ng sala. Sa kung saan ay lagyanan din ng mga palamuting makikintab at koleksiyon niyang kutsilyo. Na animo'y tila isang tropeyo na napanalunan niya sa isang patimpalak.
"Tiya, ibig ko pong humingi ng paumanhin. H-hindi ko pong -- " Napatingin sa hawak niya na baston.
Namamalik - mata ba ako? Teka lang. Guni - guni ka lang siguro iyon.
Paano ba kasi nakita kong gumalaw ang ibon sa baston. Pinagaspas nito sa mahinang paraan ang mga pak pak nito bagay na siyang ikinabilog ng mga mata ko. Hindi ko alam kung paanong nangyari. Paanong nagkaroon ng buhay ang isang baston na gayong gawa lamang ito sa makalumang kahoy?
"Emilia?" ani ng narinig kong boses.
"Emilia!" dahilan para bumalik ako sa ulirat.
"-P-po?"
"Nakikinig ka ba?"
Kumurap - kurap ako. Tinapunan ng isang beses na tingin ang hawak niya na baston. Nakita at napansin niyang nakatitig ako roon kaya pinupok- pok niya ang dulo nito sa sahig;dahilan upang dumagundong ang ingay na iyon sa aming sahig na yari sa kahoy.
Lumapit siya sa akin. Huminto siya sa paglalakad. Narinig kong bumuntonghininga siya. Kung babasehan ang galaw ng kanyang ulo ay tila yumuko siya nang kaunti.
Hinarap niya ako. "Huwag mo lang ulitin. Naintindihan mo?"
Dali - dali akong yumuko bilang tugon. "O-opo, Tiya! Hindi na po mauulit. P- asensiya na po."
"Bueno!" Tumalikod siya. "Bumalik ka na sa iyong naantalang gawain. Pagkatapos mo roon, basahin mo ang librong binigay ko sa iyo. Tumatakbo ang oras, Emilia." Sabay lakad palayo at pumasok sa kanyang kwarto.
Napapikit ako dahil sa narinig.