Kabanata 1

2197 Words
GAMIT ANG PANYONG NAKASUKBIT, pinunasan ko ang aking pawis na dumadaloy sa gilid ng aking mukha. Dahan - dahan kong ginawa iyon. Nararamdaman ko kasi ang sungaw ng init. Pagkatapos kong magpunas ay kinuha ko ang bote ng tubig na nasa aking paahan. Dali - dali kong binuksan iyon at binasa ang panyo na aking hawak. Nang masiguro kong basa na ito ay tinakip ko ito sa aking mukha. Napapikit ako nang nanuot ang lamig sa aking balat. Wala akong pakialam kong sisipunin ako sa ginawa ko. Sadyang hindi na talaga ako komportable. Ibinaba ko saglit ang panyo. Kinuha ko naman ang bote at kaagad na ininom ang laman niyon. Saglit akong naghabol ng hininga. Sobrang init kasi at uhaw na uhaw ako dulot na rin sa bigat ng aking ginagawa. Idagdag pa si Haring Araw, na kahit pasado alas tres na nang hapon ay pawang nangangagat pa sa balat ang sikat niya. Napabuga ako ng hangin pagkatapos kong uminom. Tiningnan ko ang botelyang hawak. Sinikap sipatin kung hanggang saan pa aabutin ang aking dalang tubig. Nang napagtantong kong nasa gitna botil pa ang tubig ay bigla akong napatingin kay Araw. Nagdikit ang aking kanang kamay at noo, sinikap na masulyapan ito kung saan na siya nakatutok. Bumagsak ang aking balikat nang makitang kumukinang pa rin sa dahon ang bawat tama ng sikat nito. Kung ganoon ay dalawang oras o higit pa ang kailangan kong tiisin. Tinignan ko si Tiya Crisana na panay pa rin sa paghila at bunot ng mga tangkay ng kamote. Binalingan ko rin ang aking pinsan na lalaki na si Jinn. Magkaharap sila dalawa at parehong abala. Hindi nila ata nalintana ang init kahit na tirik na tirik pa rin ang araw. Napapikit ako. Kasalukuyan kasi kaming nag - aani ng tanim namin na kamote sa aming bakuran. May kaunting lote kasi na bakante roon kaya naisiip ni Tiya na taniman imbis na hayaan na lang na nakabuyangyang. Bukod sa kamote ay may kaunting taniman din ng gulay ang parteng iyon. Sakto naman na pagtaniman dahil malapit lang lokasyon nito sa maliit na lawa. Na siyang pinagkukunan din ng tubig ng aming mga pananim. Sa parteng gilid nito ay may nakatayong maliit na kubo para tambayan namin. Ang dalawang paa ng kubo na nagsilbing poste sa ilalim ay lantad na lantad dahil sa desinyo nitong paharap pa Kanluran. Sinadya pa itong ipinakonkreto ni Tiya ang poste sa kadahilanang nakatapak nasa tubig ng lawa ang dalawang poste. At para mas maganda at nakakaayang tignan; pinalagyan ni Tiya ng lotus at water hyacinth ang gilid nito. Para may bahay na pwedeng pagtaguan ang mga ilaga naming isda na Koi. Mahilig kasi silang mangutkot sa putikan, lalo na kung panahon na nila para magparami. Kung gusto naming ilublob ang aming paa ay pwedeng dumaan sa tulay papunta gitnang bahagi ng lawa. Doon ay malaya ang mga bisita na makipaglaro at magbigay na pagkain sa alaga namin. May maliit din na bangka na nakatambay sa gilid ng kubo sa kung sakaling gusto naming tignan ang palibot ng lawa. Lalo na kung tag - ulan at malamig ang temperatura ng tubig. Hindi naman sa pagmamayabang pero masasabi kong medyo malaki ang lupang pagmamay-ari ng aking Tiya. Iyon nga lang ay binebenta niya ang iba dahil sa hindi namin kayang alagaan at bantayan. Sabi ko nga sa kanya na taniman na lang iyon tas kukuha na lang kami ng katulong. Pero sabi niya dagdag lang daw sa gastusin iyon. Na siyang pinagtaka ko rin kasi hindi ko rin naman masasabi na naghirap kami. Ang tanging natira na lang sa lote namin ay ito, at ang pinag - aalagaan din namin ng mga manok, kabayo at baboy. Na siyang konektado rin sa bakuran namin dito sa likod. Katabi lang ito sa pinagtaniman din namin ng gulay. Alas tres kaming nagsimula sa pag - ani dahil sabi ni Tiya ay masyado pang mainit ang ala una. Natuwa naman ako kasi kahit papaano ay makakailag ako kay Haring Araw. Bumagsak lang talaga ang kasiyahan ko dahil imbis na alas kuwatro kami magsisimula ay napaaga kami ng isang oras. Ani pa kasi ni Tiya ay kailangan pa raw nilang kumuha ng panggatong mamaya. Ayan tuloy, natusta ako sa init. Medyo matatagalan pa naman kami rito kasi medyo malaki rin ang napagtaniman namin ng kamote. Idagdag pa na hindi kumuha ng katulong si Nanay Tiya para mang - ani. Sus ko po! "Mas mapapadali ang trabaho natin, Emilia kung hindi ka tutunganga riyan." Mas lalong bumusangot ang mukha ko nang mapansin ako ni Jinn na hindi gumagalaw. "Ang init kaya. Hindi ba pwedeng bukas na natin ito tapusin?" ungot ko. "May gagawin pa tayong iba bukas, Emilia. Alam mo iyan," pinal na sagot ni Tiya na siyang ikinabusangot ko. "Eh po, Tiya. Mainit po kasi." "May suot ka na jacket, Emilia. May sombrero rin." Tumigil siya sa pagbubunot at tinignan ako. Napaiwas ako ng tingin. Naiayos ko ang aking suot na sombrero dala ng pagkailang. Napilitan akong bumalik sa pamumunot. Kahit anong rason pa ang sabihin ko sa kanila. Hindi naman sila makikinig sa akin. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginawa ko. Baka kung ano pa ang masasabi ko magagalit pa si Tiya. Pasado alas kuwatro ay tumigil na kami sa pang - ani. May kaunting kamote pa ang hindi namin nabungkal ang ilalim dahil gahol na kami sa oras. Nakita kong nanguha rin si Tiya ng dahon ng Kamote. Ang iba ay itananim kaagad pagkatapos naming kunin ang laman. Ngayon naman ay may hiniwalay siya ng kaunti. Siguro ay igigisa niya mamaya. Nagkibit - balikat na lang ako. Pumunta ako sa gilid ng lawa para kunin ang nakarolyo na hose roon. Kailangan ko pa kasing diligan ang mga pinagbunutan namin kanina para mas mabilis na bumalik sa paglabong ang kamote. Binuksan ko ang water meter. Nang nakita kong lumabas na iyong tubig sa hose ay saka ko itinapat iyon sa mga pananim namin. Diniligan ko na rin ang iba naming mga gulay. l Lumipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa gulayan namin. Doon naman ako nagdilig sa mga bulaklak ni Tiya. Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa simple niyang bahay - halaman. Mahilig kasi siyang mangolekta ng rosas. Ang alam ko ay nasa pito ang iba't - ibang kulay nito. Maliban sa kulay ay meron pa itong iba't - ibang rosas. Lima na kulay ng rosas ang mayroon si Tiya. Ang dalandan, puti, pula, lila, rosas, at ang dilaw. Haling na haling si Tiya sa bulaklak na ito kaya pinalagyan pa niya ng bahay - halaman at bakod para hindi masira ang koleksiyon niya. Hindi ko rin naman siya masisisi. Sayang din naman kung mamamatay lang at masira. Talagang bukod tangi rin ang kagandahan ng rosas. Nasaksihan ko ang ilan sa kanila na mamulaklak. Nakakawala ng pagod, lalo na kung namulaklak nang sabay - sabay. Para kang nakapasok sa hardin ng mga maharlika. Kung gusto ko man tumambay at maglagi. Dito ako pumepwesto. Gusto ko iyong napalibutan ako ng mga rosas. Gusto ko iyong tinitignan sila habang nagbabasa ng libro, o kung umiinom ng kape tuwing umaga. Hindi ko alam kung saan nakuha ang iba pa nitong mga kulay pero hula koy sa nahirapan siyang maghanap nito. Hula ko lang, kasi ang alam ko'y kailangan mo pang dumayo ng ibang bansa para makakuha ka ng magandang kulay. Mayamaya pa ay naramdaman kong may lumapit sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. Nabungaran ko ang aking Tiya. "Ako na Emilia. Pakihinaan mo na lang ang gripo." Dali - dali naman akong tumakbo dahil sa utos niya. Kahit na hirap na hirap ako dahil sa daanan ko. Sinikap ko na mag - ingat. Kapag ako nakasagi, ewan ko na lang kung ano ang aabutin ko. Kaagad naman akong bumalik sa tabi niya. Gusto ko rin kasing panoorin ang mga koleksiyon niya. Nang makalapit ako sa kanya ay kasalukuyan na niyang dinidiligan ang tumpok ng kulay puti na rosas. Kaagad akong napangiti. Iba kasi ang pagkaputi nito. Parang itong isang tao na namana ang halong kagandahan at kakisigan sa kanilang magulang. Walang katulad. Kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na lumapit sa isang tangkay nito na may nakatiklop pa na rosas. Napapikit ako nang inamoy ko iyon. Pagkatapos ay tinitigan ang gitnang parte nito. Grabe, nakakamangha. Ang ganda! "Pansin ko'y nagustuhan mo iyan, Emilia," ani ni Tiya na nakatitig nasa akin. Sa galak ko ay napatango ako sa kanya bilang tugon. "Opo, Tiya! Ang ganda niya kasi." "Maganda naman silang lahat. Kahit anuman ang kulay nila." Napangiti ako. "Wala naman po akong sinabing hindi na maganda ang iba pa nilang kulay, Tiya. Sadyang nahatak lang ng kulay puting rosas ang atensiyon ko. Siya ang umaangat sa paningin ko." "Kung ganoon ay kakaiba ang iyong napili." Bumalik na ito sa pagdidilig. "Ang akala ko'y pula ang nagugustuhan mong kulay. Kung ako kasi ang tatanungin, maihahambing ko sa pula ang iyong katangian." May sumipil ng magandang ngiti sa labi ni Tiya na siyang ikinagulat ko." T-tiya? Totoo ba 'yan? Nilingon niya ako. "Ang alin?" "N-ngumiti ka po?" Pagkasabi ko niyon ay bumalik ulit sa walang emosiyon ang mukha niya. "Hala! Tiya! Ngumiti ka!" "Hinaan mo ang iyong boses, Emilia." Pumalakpak ako. "Hala! Tiya, nakita kitang ngumiti." Tinitigan na naman niya ako nang matagal. Parang naupos bigla. Napakamot ako sa batok at panis na tumawa. "H-hindi po. H-hindi ka po ngumiti." Binalik ko ang aking atensiyon sa mga rosas. "Ikaw po Tiya? Ano pong gusto mo na kulay? Pero po, pansin ko. Nakahiligan mong tignan iyong kulay lila na rosas." Tumango ito." Bihira ka lang makakita ng ganitong kulay. Maliban pa roon, hindi mo rin siya basta - basta makukuha ang pagkalila niya kung hindi niya nagustuhan ang temperatura. Minsan pumupusyaw, minsan masyadong matapang, at kung papalarin, kung minsan balanse. "Hinawakan niya ang kulay lila na rosas malapit sa kanya." Nakakamangha dahil mahirap kunin ang loob nito para makapamulaklak ng magandang lila." "Parang ikaw po, mahirap kang tansiyahin." Nabulalas ko bigla. Natakpan ko ang aking bibig nang maanalisa ko ang aking sinabi. Napabuntonghininga ito. "Siya nga pala, sa makalawa mag didise - nuebe ka na." Napangiwi ako. "Ganoon na nga po." "Anong gusto mo?" Napasulyap ako kay Tiya. "Po?" "May gusto ka ba na bagay?" "Ha! Eh?" Napatingin ako kay Jinn na nasa labas. "W-wala po." "Sigurado ka?" Natagalan ako sa pagsagot. Nahalata siguro iyon ni Tiya kaya nagsalita siya, "Ako na lang ang mag - iisip. Bukas, pagkatapos natin kumuha ng panggatong, samahan mo akong mamalengke para sa handaan. Isasama ko na rin si Jinn. Maliwanag?" Tumango ako sabay sabing, "O-opo." "Aanihin din natin ang lahat ng puting rosas dito para sa kaarawan mo. Gawin nating palamuti." Namilog ang mata ko. "Po?" "Oo." "Pero..." Tumingin ako sa paligid."Pananim niyo po ito." "Kaya ko nga sasadyaing putulin para mas gaganahan naman sila yumabong." "Pero kasi..." "Ayaw mo?" Ngumiwi ako. "Sayang po kasi." "Oh siya, kuha tayo ng kaunti para sa palamuti. Ilalagay natin sa la mesa." Napilitan akong tumango. "Sige po." Sinipat ko ang puting rosas. Iyong inamoy at nilapitan ko kanina. "Tiya, pwede ko po bang pitasin 'to? Isa lang po." "Gamitan mo ng gunting. Para hindi magtampo. Kunin mo roon sa lagyanan ng gamit panghalaman." "Sige po." May ngiti sa labing pumunta ako sa gilig ng la mesa. Dali - dali kong hinanap ang gunting na sinasabi niya. Ang alam ko kasi ay mag naka reserba na gunting dito para pamputol ng tangkay. Sinubukan kong kalkalin ang mga gamit doon at hinanap ang naturang bagay. Hindi naman ako nabigo. Pagkatapos ng ilang segundo, nakita ko na ang hinahanap ko. "Ingatan mo ang tinik." Paalala ni Tiya sa akin na ang atensiyon ay nasa diniligan nito na kulay lilang rosas. "Opo," sagot ko. Lumapit ako sa kumpol ng puting rosas. Hindi ako kaagad nagputol kasi gusto ko pang pumili. Napakamot ako sa ulo. Ba't ko pa pipiliin eh pareho naman silang lahat na maputi. Sa huli ay napagdesisyunan ko na kunin na lang iyong nasa paanan ko. Yumuko ako at inihanda ko ang gunting. Dahan - dahan kong hinawakan ang puting rosas na nagustuhan ko. Namukadkad na ito at amoy ko na ang pabango nito na siyang dahilan ng ikinasabik ko. Puputulin ko na sana siya nang biglang nag - iba ang paningin ko at pawang nagliwanag. Sa isang iglap ay may naglaro sa utak ko na na isang senaryo na hindi ko maintindihan. May ibang kamay na nag - abot sa akin ng isang puting rosas. Na kaagad ko namang tinanggap at kinuha. Ang dalisay ng ngiti ko nang mahawakan na ang rosas ay napalitan ng takot nang bigla ay napatakan ito ng dugo. Na siyang dahilan ng pag - iba nito ng kulay. Mula sa puti ay naging pula ito, hanggang sa naging itim, natuyo, nalanta at namatay. Nabitawan ko ang rosas. Pagkabitaw ko ay kumalat ang dugo sa palibot. Hanggang sa ang dugo ay napalitan ng itim. Ang paligid na kanina'y puti, ngayo'y sing pula na nang dugo. Bumuhos sa ulohan ko ang mga rosas na iba't - iba ang kulay. Pero nang bumagsak ito sa lupa ay bigla rin ito nagsilantahan, at namatay. Nabitawan ko ang gunting at rosas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD