bc

In the Midst of Two Emotions

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
BE
curse
mafia
billionairess
heir/heiress
bxg
mystery
highschool
poor to rich
musclebear
addiction
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Maria Juana Magsalong 'ugh!' Talagang hindi maiwasan ng dalaga na mapapikit kapag inuusal na ang kanyang pangalan. Sa dinami - dami ba naman na pwedeng ipangalan sa kanya ay iyon pa talagang Maria. Hindi pa nakontento ang mga magulang niya. Dinugtungan pa ng Juan, na siyang dahilan kung bakit tinuktukso siya kung minsan sa eskwelahan. Pakiramdam niya ay parang siyang isang dalagang na hindi makabasag pinggan, hindi pwede paglaruan, mayumi, kagalang - galang.Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit nawawala siya sa huwestiyo kapag nakaharap niya ang isang Tyler Buenaver. Kilala kasi ito sa pagiging basag - ulo dahil na rin sa background ng pamilya nito.Lahat na ata na pinakatagu - tago niyang ugali ay lumalabas lalo na kapag nakasagutan niya ito. Isang hapon, pagkauwi niya sa bahay. Napakunot ang noo niya nang may kausap ang Mama niya sa sala na isang lalaki. Bago sa kanya ang mukha nito at pati na rin ang pananalita nito. Akala niya ay kung ano na ang pakay nito, pero ang nakakagimbal sa puso niya.Ay ang sabihin nitong balat - kayo lang ang dala - dala niya na pangalan.

chap-preview
Free preview
Prologo
Umagang - umaga pa lamang at ito ako, bumibista nasa isang sementeryo. Tangan ng kanang braso ang mga gamit na kakailanganin ko. Pagkapasok ko sa b****a ay bumungad kaagad sa akin ang nakalinyang mga lapida. May nakita rin akong mangilan - ngilan mga tao na bumibisita sa mahal nila sa buhay. Habang binabaktas ang daan ay napahawak na ang kaliwang kamay ko sa aking tiyan. Tiyak ang direksiyon patungo sa isang puntod na madalas kong dinadalaw. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumisita rito sa isang taon. Ang alam ko lang, basta't naalala ko sila ay kaagad akong pumupunta rito para mag - alay ng bulaklak. Gawain ko na iyon simula nang sila ay lumisan dalawang taon na ang nakararaan. Sa kakadalaw ko rito ay nakilala na ako ng tagapag- linis ng mga puntod dito. Kagaya ngayon at nakita na naman niya ako. Ibinaba niya ang suot na sumbrero. Itinapat niya iyon sa kanyang tiyan sabay yuko sa akin. "Magandang umaga, Senyora." Tipid akong ngumiti. "Magandang araw rin sa iyo, Mang Tasho." "Nandirito na naman po kayo." "Oo nga po eh," sabay tingin sa dala kong bulaklak at dalawang plastic na may lamang importanteng bagay. "Napaginipan ko naman kasi sila kagabi." Napatango ito. Sinuot nito ang sombrero habang papalapit sa akin. "Akin na po ang iba niyong dala. Tutulungan na kita." "Huwag na po, Tay." "Akin na," pamimilit niya sabay kuha ng mga dala ko. "Alam kong sabik kang makita sila. Nalinis ko na ang bahay nila kaya halika na." Napatingin ako kay Tatay habang naglalakad sa daraanan. Habang ginagawa niya iyon ay napatitig ako sa mga nadadaanan niyang mga lapida. Tila nakiayon sa akin ang panahon ngayon. Ayon at malakas na sumibol ang hangin na kay lamig. Napayakap ako sa aking katawan nang bigla ako nitong banggain. Gusto yata ng mga nilalang dito na tanggalin ang aking suot na sombrero. Kaya pati iyon ay gustong tangayin ng hangin. Mariin ko itong hinahawakan nang hindi ito mahulog sa aking ulo. Hindi ko alam kung dahil ba sa desinyo nito na pabilog kaya panay ito nadadala o dahil ba sa hilig lang ng kalikasan na pagtripan ito. Nawili yata ang hangin sa naging reaksiyon ko. Pati ang buhok ko ay hindi nakaligtas at ito'y kanyang nilaro. Bagamat umaaraw man ay hindi naman masakit ang sikat nito. Tila alam ng ulap na pupunta ako ngayon sa sementeryo kaya bahagya nitong tinabunan si Haring araw. "Senyora," pagtawag ni Tatay sa atensiyon ko. Napatingin ako sa kanya habang nakahawak sa aking sombrerong dilaw. "Nandiyan na po." Hinawakan ko ang aking salakot habang sinusundan ko si Mang Tasho. Kaagad akong binati ng mga damo nang madaanan ko sila. Hindi ko na sila pinansin at itinuon ko ang aking atensiyon sa daan. Lakad - takbo ang ginawa ko para mapang - abot kami ni Mang Tasho. Na hindi rin naman nagtagal ay nasa likod na niya ako. Medyo may kabagalan na rin kasi kung gumalaw ang matanda kaya hindi ako pinagpawisan na sundan siya. Hindi naman sa sinasabi kong mabagal ay talagang mabagal na. Sa edad nito na siyetenta'y kuwatro, maliksi pa ito kung kumilos. Siguro dahil na rin sa trabaho ko kaya nabagalan ako sa kanyang kilos. Nakakawalang - galang nga ito pa ang nagbitbit ng mga dala ko. Samantalang ako itong mas bata sa aming dalawa. Aalayan ko sana siya sa paglakad nang tinanggihan niya kaagad ako. "Pabayaan mo na ako, Hija." "P-pero po kasi, baka hinahapo na po kayo." "Nako, parang ito lang." Tukoy nito sa bitbit nito. Itinaas nito ang inagaw nito na plastic sa akin. "Hindi naman ito mabigat." "Ikaw po talaga, Tay." Sinubukan kong agawin ang dala niya pero iniwas lang niya iyon. "Hayaan muna ako, Senyora. Sa ganito man ay makabawi ako sa pagtulong mo sa aming pamilya." Napangiti ito ng makahulugan. "Akala ko ba ay may sadya ka rito?" "Sige na nga po. Pero paunahin niyo po ako. Para maalalayan ko kayo sa paglakad." "Nako, ikaw talagang bata ka. Magtatrabaho pa ba ako rito kung madali lang akong mapagod." "Sabi niyo po eh." Napahalakhak ito. "Halika na." At naglakad ito. Wala akong ibang magawa kung hindi sundan siya. Habang gingawa ko iyon ay nakahawak pa rin ako sa aking sombrero. Wala yatang balak tumigil sa paglalaro ang hangin sa suot ko na pantakip sa ulo. Dumaan ang ilang segundo ay naging mas pamilyar na sa akin ang lugar. Lalo na nang madaanan ko ang mga puntod na kakapit - bahay ng mga dadalawin ko. Biglang lumakas ang pagtibok niyon nang huminto na si Mang Tasho. Nilapag nito sa harap ng puntod ang dala ko na pasalubong. "Hindi na ako magtatagal pa, Senyora. Alam ko pong mas gugustuhin mo pong mapag - isa kaysa mayroon kang kasama. Hindi ko na po kayo iisturbuhin." "Maraming salamat po, Tatay." Tinapik niya ang balikat ko. Tatlong beses niyang ginawa iyon habang nakatingin sa aking mata. "Maiwan na kita," paalam niya sabay tanggal sa kanyang kamay sa balikat ko. Napatitig siya sa dalawang lapida na nasa gilid ko. "Oh, nandiyan na naman siya. Paano, ginagambalan niyo naman siya sa kanyang pagtulog." ''Tatay naman po." Ngumiti ito. "Nagbibiro lang. Oh siya. Alis na ako." Nagsisimula na itong lumayo sa aki. "Maraming salamat po talaga." "Walang anuman, Senyora." sabay baba ng sombrero nito. "Walang - wala pa nga itong ginagawa ko sa pagtulong mo sa akin." "Kaunti lang po iyon, Tay." "Kung sa mga taong katulad mo, pero kung sa mga katulad kong naghihirap sa buhay." Napailing ito. "Salamat, tatanawin namin itong utang na loob." "Tay naman, nagsisimula ka na naman po." "Nako, kung alam mo lang. Hindi ako magssasawang magpapasalamat sa iyo." "Nauumay na nga po ako eh." "Halata naman," sabay tawa. "Bueno, hindi ko na po kayo iistorbuhin. " Siya na ang naunang magtapos sa aming usapan. Nakatanaw ako sa kanya habang binabaktas niya ulit ang dinaanan namin kanina. Bigla na namang sumibol ang isang malamig na hangin. Nagalaw ang dala ko na plastic. Nang mag -ingay ito ay nalipat ang paningin ko sa kanya. Kasabay niyon ay ang paghagip ng paningin ko ang dalawang puntod na nasa harap ko. Umupo ako sa harap ng kanilang bahay. "Hi." sabay sindi ng kandila. "Binubulabog niyo na naman ako ah." Kakaiba man kung pakikinggan pero kinakausap ko talaga sila. Kung ang iba siguro nang nakarinig sa akin ay tatayuan ng balahibo, kasalungat naman ang sa akin. "May dala ako para sa inyo." Sabay bukas ng dala ko at nilagay iyon sa harap ng puntod nila. "Hindi ba pangarap ninyong makahawak nito?' Nagsisimula na namang uminit ang mata ko. Alam ko na kung bakit kaya kaagad ko iyon pinunasan. "Pasensiya na kung hindi ko naibigay sa inyo nang buhay pa kayo, ha? Paano kasi ang mahal naman pala nito. Buti nalang at mataas na ang sahod ko ngayon at nakabili ako nito." "Happy B-birthday nga p-pala sa iyo." sabay lapag ng bulaklak sa bahay niya. Napaiwas ako ng tingin nang tuluyan nang sumungaw sa aking mata ang luha ko. Pinunasan ko kaagad iyon. Hindi na ako nagsalita pa. Tumikhim ako nang isang beses at saka bumalik sa ginagawa ko. Nang mahimasmasan na ako ay sinunod ko mula sa pagbabaklas ang nakabalot pa sa newspaper ang isa pa na flower basket. Pagkatapos kong gawin iyon ay nag - alay ako ng dasal sa kanila. Nang tapos na ako ay hindi na muna ako umalis. Hinaplos ko pa ang lapida nila at naka - imprentang pangalan nila. Alam ko naman na ako lang din ang nahihirapan sa sitwasyon ko. Ang tagal na pero parang kahapon pa kung nangyari ang lahat ng iyon. May kasabihan pa nga sila na dapat ay hindi ka luluha panay kapag kaharap muna ang puntod ng yumao. Kasi kapag ganoon, mahihirapan silang hanapin at tawirin ang daanan papunta sa langit. Kailangan ko ng mag - move - on. Oo, iyon naman talaga ang unang dapat gawin. Pero masisisi niyo ba ako kung nahihirapan ako? Isa pa, ang hirap mag -move - on kung ang mismong pinagkunan mo ng lakas para mabuhay ay nauna pang nawala kaysa sa iyo. Dalawang taon na pero parang sariwa pa talaga sa utak ko ang trahedyang nangyari sa buhay ko. Noong oras na iyon, balisang -balisa ako. Ni wala ako sa hulog para asikasuhin sila tapos malalaman kung ano ang ikinamatay nila... Napapikit ako nang mariin. "Alis na po muna ako, ha?" sabay nag - sign of the cross ako. Mabigat ang loob ko na lisanin ang puntod nila. Hindi na ako lumingon pa. Gusto ko nang umalis sa harap nila kasi baka ano pa ang magawa ko sa Baka hindi na naman ako makatulog ng maayos dahil sa pagsisisi. Habang naglalakad ay hindi ko na nakita pa si Mang Tasho. Baka umuwi o may inaasikaso pa. Hindi ko na siya tinawag pa. Baka ang dami niya pang gagawin kaya mas mabuti iyong walang iistorbo sa kanya. Saka ko nalang namalayan na papalabas na pala ako nang sementeryo. Hindi ko alam kung mabilis lang ba ako maglakad o dahil sa may iniisip ako. Aaminin kong nadala ako sa emosiyon at imahinasyon ko habang tinatahak ang daanan palabas. Iyong siguro ang dahilan. Nasa bunganga pa lamang ako ng gate ay sinadya ko nang daanan ang sinunog na kung ano. Sinuguro kong hinaplos ng usok ang katawan ko bago ako umalis sa sementeryo. Gaya ng sabi nila kailangan daanan o lundaggan ang ginawang baga. Wala namang mawawala kung susunod ka pa rin sa nakasanayan na. Mas mabuti na iyong ginawa mo keysa hindi. Baka pagsisihan mo pa ang lahat kapag may nangyari nang masama sa iyo kasi hindi mo sinunod ang lumang ritwal. Pagkalabas ko nang sementeryo ay naglakad muna ako ng palabas nang kalsada. Tahimik kong binaybay ang daanan habang nakabulsa ang dalawa kong kamay sa suot ko na jacket. Pinaingay ko ang dala na susi ng sasakyan ko. Tinago ko kasi ito sa bulsa ko. Hindi na kasi ako nagdala ng bag at kasya naman ito sa bulsa ko. Doon ko nalang ito itinago. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip na naman ang malakas na hangin. Pinalabas ko mula sa bulsahan ang mga kamay ko. Tinaas - baba ko ang mga ito para mahaplos ko nang mabuti ang braso ko. Pagka - angat ko nang tingin ay napahinto ako sa paglalakad. May bumaba sa sasakyan na isang lalaki hindi kalayuan sa pinagtayuan ko. Hindi ko na sana ito papansin dahil hindi ko naman namukhaan ang binata buhat na rin sa distansiya nito sa akin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Yumuko pa ako kasi wala akong planong bumati sa isang tao. Ngunit napahinto na naman ako, hindi dahil sa may nakalimutan ako. "Maria." Nabuhay ang isang emosiyon na ayaw kong pangalanan nang banggitin nito ang pangalan ko. "N-no." Bulong ko nang maalala ko kung sino ang nagmamay - ari ng boses na iyon. "Maria." Napapikit ako habang napailing. Nagpasiya akong harapin siya pero hindi ko pinakita ang nagkahalu - halo kong emosiyon sa mukha ko. Blangko ang mukha kong tinitigan siya. "Don't come close." Nakinig naman ito. Pagkatingin ko sa kabuuan niya ay pawang gusto ko siyang sampalin ng isang daang beses. Umalingasaw kaagad sa pananamit at tindig nito ang kanyang pagbabago. "Maria, we need to talk," he said while his both hands are hiding in his gray pants pocket. Umangat ang gilid ng labi ko nang marinig ko ang kahusayan na niya sa pagsasalita ng Ingles. "Gusto mo bang malaman kung ano ang pinaka - ayaw ko sa mga oras na ito?" Hindi ito sumagot. Nakatitig lang ito sa akin. Ginawa kong hudyat iyon para magsalita sa harap niya. "Ang hindi ka makita at makausap, kahit kailan pa man."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook