Chapter 1 - When they met

3334 Words
"Maria, I know what you went through. Pag- usapan natin ito ng maayos." Peke akong napatawa sa sinabi niya. Dahan - dahan akong lumapit sa kanya, mga kamay ko'y nakasiksik pa rin sa bulsa. Hindi ko pinutol ang titigan naming dalawa. Dahilan para gumalaw ang ulo niya at sinundan ako ng tingin, habang ako ay papalapit sa harap niya. Nang nasa gilid na niya ako ay humarap siya sa akin. Itinaas ko ang aking noo, ginagalaw ang aking panga at nakipag sukatan ng titig.Pagkapalatak ko ay kusang lumabas sa bibig ko ang malamig na hangin. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" panunuya ko sa kanya. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. Umangat ang gilid ng labi ko nang dumapo ang paningin ko sa balikat niya. Humakbang ako nang dalawang beses. Pinagpag ko ang kaliwang balikat niya na para bang may dumi iyon pero wala naman talaga. Sumunod ang paningin niya sa kamay ko. "Anong kapangyarihan ang mayroon ka para masabi mong may alam ka sa pinagdaanan ko? Ano? Umalis ka lang pero may kakayahan ka nang malaman kung ano ang nangyari sa paligid ko?" Napatawa ako ng malakas. Sa lakas niyon ay mararamdaman niya ang timbre ng boses ko na may halong panginginsulto. "Ah, oo nga pala. Mayaman ka na pala ngayon. Lahat ng bagay na imposible ay magagawa mong posible." Napatitig ako sa likod niya, partikular sa kanyang sasakyang mamahalin na kulay itim. "Pero hindi ang panahon at karanasan. Kailanman, hindi mo mabibili iyon. May magagawa ka oo, pero hindi sa taong tulad ko na hinimok ng panahon para maging ako ngayon." Bumalik ang paningin ko sa mukha niya. "Ang tagal mong nawala, alam mo ba iyon?" Inangat ko ang mukha ko dahilan para mapang - abot ang mga mata namin. "Alam mo bang sa tagal niyon ay wala ka ng babalikan pa? Huwag kang magsalita na para bang may alam ka sa lahat. Hindi mo hawak ang panahon, at sigurado akong kulang ang nalalaman mo tungkol sa akin sa nagdaang taon." "That's why we have to talk." "Para ano pa?" Tinabingi ko ang mukha ko. Tinignan ko ang adams apple niya na gumagalaw hanggang sa naglakbay ang paningin ko sa mukha niya. "Dalawang taon, Tyler. Dalawang taon. Masyado na iyong mahaba para pag - usapan pa." Umatras ako . Ibinalik ko ang blangko kong titig. "Nakakasuya iyang pagmumukha mo, alam mo ba iyon?" sabi ko pa. "Hindi ko alam kung ano ang sadya mo sa akin. Ang ayaw kong sa lahat ay hinahanap mo ako na para bang may nakakalimutan kang bagay na kailangan mong kunin pa sa akin. Itong tandaan mo, Tyler. Oras na lumapit ka pa ulit sa akin, hindi ako mangingiming babalatan kita ng buto. Nagbago ka man sa paningin ng ibang tao pero ikaw pa rin ang nakilala kong Tyler dati. Hinding - hindi iyon magbabago kahit man may pinanghawakan ka ng apelyido. Magbihis ka man o manamit ka man ng maganda sa harap ko, ikaw pa rin ang nakilala kong lalaki na hindi marunong humawak sa binatawan niyang pangako." "Maria." "Huwag mo akong tawagin sa pangalan ko, Mr. Buenaver. Pagkatapos ng ginawa mo, sa tingin mo bibigyan pa kita ng pahintulot na bigkasin ang pangalan ko?" Napatingala ako. Itinakip ko ang aking kamay sa mukha ko. "Maria, don't treat me like this. Alam kong galit ka lamang sa akin kaya nasabi mo ang mga bagay na ito. "Pero may karapatan akong tratuhin ka sa paraang gusto ko." Lumingon ako sa kanya. "B-but." Bumuntonghininga ito. "But not in the way like this." "Oh, sa paraan ba na gusto mo?" Ngumisi ako." Ano? Gusto mong yakapin kita?'' Dahan - dahan akong lumapit sa kanya. Nakita kong lumunok siya habang humakbang ng isang beses pa atras. "Kakamustahin?" sabay lapit ng labi ko sa labi niya. "O hahalikan?" Tinignan ko ang labi niya. Narinig ko ang mabigat na hininga niya habang lumulunok siya ng laway. Nakipagtitigan ako sa kanya at nagtama ang paningin namin. Kinagat ko ang aking pang - ibabang labi sabay titig sa tungki ng kanyang ilong. Pagkatapos kong gawin iyon ay umatras ako. Ngumisi ako nang nakakaloko na siyang dahilan para mas lalong dumilim ang awra sa mukha niya. "Siyempre hindi ko gagawin iyon." "Maria." "Uh-uh." Iniwasiwas ko ang gitnang daliri ng kanang kamay ko. "Parang may gusto ka atang gawin, Mr. Buenaver. Ah, oo nga pala." Yumuko ako. Tinapik ko nang tatlong beses ang kaliwang paa ko. Nakalikha ng tunog ang suot ko na puting flat shoes. "Ipagpaumanhin mo, nagkamali pala ako ng tawag sa iyo." blangko na naman akong napatitig sa kanya. "Hindi ka na pala Buenaver ngayon. Tatawagin na pala kitang Mr... " Sinadya kong bitinin muna ang sasabihin ko. Pumameywang ako sa harap niya. "Mr. Baca----" "P-paano mo nalaman?" Pagputol niya sa sasabihin ko. Unti - unting nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Nakaawang pa ang labi nito. Maging ang kanyang mata ay napakurap dahil sa pagsiwalat ko sa nalalaman ko. Nagkibit - balikat ako. "Siyempre, may nagsabi rin sa akin." sagot ko. "Bakit? Inaasahan mo bang hindi ko malalaman?" Naglakad ako sa harap niya nang mabagal . Iyong klase ng bagal na parang may dinadaanan akong pang- rampa. Sinadya ko pang ihampas ng marahan ang balakang ko para makita niya. Pero pareho pa rin ang awra ng mata ko. "Pinaimbestiga mo ako." Napahinto ako. Napatitig ako sa kanya. "Uh, malaking paratang naman iyan, kaibigan." Ngumisi ako. Namulsa siya. Parang gusto ko siyang sampalin nang unti - unti kong naoobserbahan na sinsabayan niya niya ang panunuya ko."Because I know you will. Sa loob ng dalawang taon, hindi ka tumigil sa kakahintay sa akin." "Ay, ang confident naman," sagot ko. "Matagal din ang dalawang taon. Hindi ba pwedeng sabihin na." Inilapat ko ang kanang kamay ko sa aking kaliwang balikat. "Nauumay na ako?" "I don't believe in that." "At bakit?" tanong ko. "Because I know you still have feelings for me." Doon nagbago ang timpla ng mukha ko. "Ah, ganoon?" Isang beses akong humakbang papunta sa harap niya. "May proweba ka?" Ngumisi ito. Lumapit ito sa akin at nakipagsukatan sa mukha ko. "Oo." Hinapit niya ang bewang ko kaya napatingin ako sa mga kamay niya. "Hahawakan pa lang kita ng ganito, may epekto na sa iyo hindi ba?" Napaangat ang mukha ko. Tinignan ko siya sa mata. Gusto ko sanang ipapakita sa kanya ang galit dahil sa pagkaarogante niya pero hindi ko gagawin iyon. Iisipin lang nitong tama siya at naapektuhan ako sa ginawa niya. May naiisip ako na magandang sagot sa ginawa niya. Nagpakawala ako ng matamis na ngiti. Pinaakit ko ang mga mata sabay tingin sa mukha niya simula sa mata papunta sa kanyang labi. "Ikaw naman, masyado ka namang seryoso." Inangat ko ang mga braso ko at inilapat ko ito sa balikat niya. Nakita ko palang na naapektuhan siya sa ginawa ko ay gusto nang magbunyi ang utak ko. Pero taliwas ang sigaw ko ng puso ko. Dahil unti - unti akong nilukob ng galit ay mas lalo ko pang ginandahan ang pag - arte ko. "Siyempre, na - miss kita." Sabay haplos ng kanyang balikat. Inilandas ko aking kanang kamay paitaas at pababa. Mabagal, nagpapahiwatig ng kasabikan, sensuwal, sa ganoong paraan nilaruan ng kanang kamay ko ang kanyang kaliwang parte ng kanyang balikat. Nilapit ko ang aking bibig sa kaliwang tainga niya. Kakatwa lang, dahil hindi pa ako nagsalita ay nakita ko ng gumalaw ang adams apple niya. Maging ang kanyang tainga ay namula sa ginawa ko. "Gusto mo rin ng patunay?" tanong ko sa kanya sa sensuwal na boses. "W-what proof?" Pinaakyat ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang leeg. Mas diniin ko ang sarili ko sa kanya. Na maging ako ay unti - unti na ring naapektuhan sa ginagawa ko. Nahaglip ng aking paningin ang dulong parte ng sementeryo. Bigla ay pawang namulat ako sa katotohanan. Nang maisip ko kung sino ang nakahimlay at kung sino ang taong dinadalaw ko kanina ay bigla muling bumangon ang poot sa aking puso. "Proweba, sabi mo hindi ka naniniwala sa akin." "At ano naman ang gagawin mo?" Kakalas na ako sa yakap namin. Pagkatanggal ko sa aking mga braso ay bigla niya rin hinigpitan ang pagyakap niya sa akin. Napasinghap ako nang dumiin ang dibdib ko sa kanya. "Stay." "Tch. Nagustuhan mo ata ang munting handog ko?" "Maria." Napapikit ito." Stay. Kahit saglit lang, pagbigyan mo muna ang gusto ko." Natahimik ako. Kaunti nalang talaga ang kulang, gusto ko na siyang pagbuhatan ng kamay. Ang kapal naman niyang humingi ng pabor sa akin. Nahihirapan na akong magpigil. Hindi pala magandang ideya itong ginawa ko. Imbis na siya lang itong aartehan ko ay pati yata sarili ko ay nadala na rin sa ginagawa ko. Sinubukan ko muling kumalas sa kanya. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya. Pinaikot ko ang aking mga mata. "Bitawan mo ako." "No." "I said let go of me." Namilog ang mata ko nang bigla niyang iniba ang paraan ng pagkakayakap niya. Kung kanina ay sa bewang lang niya ako hinihila at niyayakap. Ngayon ay lumipat ang isa niyang braso sa balikat ko. Ang isa naman ay nakapulupot sa likod ko. Napasubsob ang panga ko sa balikat niya. Nahulog ang suot ko na sombrero. Sa ginawa niya ay hindi ko nilapat sa katawan niya ang kamay ko. Nakalambitin ito sa ere. Po "Maria, I'm sorry." Hindi ako nakasagot sa itinuran niya. "Yang, sorry. Nandito na ako." Napapikit ako nang sambitin niya palayaw ko. Isang tawag na siya lang din ang nagbansag sa akin. "Hindi ko naman gusto iyong ginawa ko. Babawi ako sa iyo." Ikinuyom ko ang mga palad ko. Mabagal akong napapikit dahil sa inis na nararamdaman ko. "Bitawan mo ako," utos ko. "Yang, ngayon lang ito." "Bitawan muna ako," Pang - uulit ko pa. "Maria." "Sabing bitawan mo ako." Nilagay ko sa kanyang balikat ang aking mga kamay. Ubod lakas ko siyang tinulak para mawakasan na ang pagyakap niya sa akin. Pagkaalis ko sa kanya ay agad ko siyang binigyan ng isang malutong na sampal. Napaling pakaliwa ang mukha niya dahil sa ginawa ko. Nakuyom ko ang aking kamay. Maliban sa humahapdi iyon ay naiinis ako sa ginawa niya. Malakas na napataas - baba ang balikat ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Na kahit ako ay mabibingi ata dahil lamang sa nararamdaman ko na galit. Hindi ako nasiyahan sa ginawa ko. Parang kulang pa ang pagsampal ko sa kanya. Gusto kong sampalin pa sana ang kabila nitong pisngi para magpantay na ang pasa roon. Napahawak siya sa napuruhang pisngi. Agad naglikha ng ingay ang panga at ngipin ko nang ngumisi lang siya nang nakakaloko. Bubuwelo na sana ako para saktan ulit siya nang mapansin kong may gumalaw na naman sa harap ko. Tinitigan ko ng mabuti ang isang punongkahoy na hindi kalayuan sa amin. Nasa gilid ito ng sasakyan. May distansiya lang ng kaunti sa kanan ng kotse. Kanina pa ako may napapansin dito pero pilit ko binabalewala. Iniisip ko kasi na baka ahas o isang maliit na insekto ang dumadapo roon. O baka dahil lang sa samyo ng hangin kaya nayayanig ito. Gumagalaw kasi ang dahon pero itong bago pa lamang ay may napansin na naman ako. Umangat ang gilid ng labi ko. Kailangan kong palabasin kung sinuman ang nagtatago roon. "Ano? Gusto mo pa?" pagbaling ko sa lalaking nakaharap ko. Pinukulan niya ako ng isang masamang tingin. Hinimas niya ang kanyang pisngi. Pagkatapos niyon ay binaba nito ang kanyang kamay. "Nasiyahan ka ata sa ginawa mo." "Tch, actually hindi." Napatingin ako sa kanang kamay ko. Ito ang ginamit ko sa pagsampal sa kanya. ''Kulang pa iyon. Baka pwedeng pa isa pa." Ngumisi ito. "Sounds like fun to me." Lumapit muli ito sa akin. "You want one? Sabi mo paisa ulit. Bakit iba ang dating niyon sa akin." Napangiwi ako. "Umalis ka na nga lang, iba pa ang natutunan mo. Ano? Puro kalibugan nalang ba ang nalalaman mo sa buhay? Naka- ilang babae ka kaya sa pag - alis mo? Ang hayok mo na ngayon eh." Napatigil ito sa paghakbang. Kumunot anag kanyang kilay habang nakatitig sa akin. "Iyan na ba ang tingin mo sa akin?" "Aba, kasalanan ko pa?" Napatingin ako sa kuko ng kanang kamay ko. "Sabi mo iba ang dating." Naglapat ng mariin ang labi nito. Mayamaya pa ay nagpakawala ito ng isang mabigat na buntonghininga. Napapikit pa ito. "I just want to talk to you. That's it." "But I don't want to. Inaaksaya mo lang ang oras ko." Hindi na naman ito nakasagot. Niluwagan nito ng kaunti ang suot nito na neck tie. Pagkatapos ay nirolyo ito na pataas ang suot na suit. Muli nitong isinuksok sa kabilaang nitong bulsa ang mga kamay nito. "I understand." Yumuko ito. "Maybe some other time." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. May sasabihin pa sana ako tungkol doon pero hindi ko na itinuloy pa. Dinampot ko ang aking sombrero. Pinagpag ko iyon na para bang wala akong nakaharap na tao. Nang matanggal na ang lahat na agiw roon ay kaagad ko ito isinuot. Saka ako naglakad papalayo sa lalaking ito. Naka -ilang hakbang pa nga lang ako pero napahinto na ako. Napasinghap ako nang bigla akong mapayuko. Nanlinsik ang aking mata habang nakatingin sa aking likod. "Stop it." Nagpupumiglas ako dahil masyadong mahigpit ang yakap niya. Tumuwid ako ng tayo para sana dambahin ang ulo niya pero hindi siya natamaan. Nailagan niya ang opensa ko. Napalunok ako nang maramdaman ko ang kanyang hininga sa kaliwa kong tainga. Tumaas ang aking balahibo dahil sa init na hatid niyon sa akin. "I missed you so much." Napapikit ako nang sambitin na naman iyon. Pumiglas ulit ako para mabitawan na niya ako pero walang silbi ang ginawa ko. "Maria, huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Just admit it that you miss me too." Napatigil ako sa ginawa niya. Napatingala ako sabay buka ng aking bibig. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Dahan - dahan akong napailing. Hindi ko alam pero may ginawa ang mga salita ni Tyler sa akin. Namayani sa aking puso ang isang emosiyon na ayaw kong makita niya. Pero ang traydor ang mata ko. Nagsisimula ng uminit ang magkabilang gilid ng mata ko. Nagbabadyang lumabas mula roon ang isang likido. Isang likido sa aking katawan na siyang proweba na nadala ako sa sinabi niya. Nilaro ng aking dila ang loob ng aking bibig. Napatingin ako sa aking likod. "Matagal na akong nahirapan, Tyler. Nasanay na ako." Hindi kaagad ito nakasagot. Napasinghap na naman ako nang mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya. "Then let me ease the pain." "You don't have to. " I gaze towards my left side. "I'm used to it." Umalingawngaw ang sigaw niya sa sementeryo nang biglain ko siya sa opensa ko. Sa lakas ng pagkakasiko ko sa gilid niya ay napadaing pa siya ng husto. Pero bigo akong paalisin siya sa likod ko. Domoble ang nag - aalab na aking puso. Pinuntirya ko naman ang kanan niya. Sisiko na sana ako nang harangan niya ang braso ko. "Iyan lang ba a-ang kaya mo?" Bagamat naharangan niya ako ay hindi nakatakas sa tinig nito na nasaktan ko ito ng husto. "Sandali lang. Kakasimula ko pa lang,'' matapang na aking sagot. "Bilisan mo." Ngumisi ako." Alam mo ba kung ano ang isa sa nagbago sa akin?" Tumingin ako sa baba. Nagbunyi ang kalooban ko nang makita ko ang kanyang kaliwang paa. Doon ko binuhos ang lahat ng hinanakit ko. Tinadyakan ko ito ng ubod lakas. Dalawang beses ko ginawa iyon kaya lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Nakakuha ako ng tiyempo para puruhan ulit siya. Sa galit ko ay ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko ang aking siniko. Kinuha ko ang kanan niyang kamay na natirang nakahawak sa akin. Agad ko iyon binaliko dahilan para mapadaing ulit siya. Nakawala ako sa kanya. Humarap ako sa kanya. Nakayuko siya dahil sa kabilaang sakit. Walang pag - aalinlangan na itinaas ko ang aking kanang tuhod. Diniretso ko iyon sa dibdib niya. Napatingin ulit ako sa punongkahoy. Tulad nga ng inaasahan ko. Lumabas doon ang isang lalaking may bagote. Tinutukan niya kaagad ako ng baril. Naitaas ko ang aking mga kamay. Naitabingi ko ang aking ulo nang papalapit na sa akin ang lalaki. Kung hindi ako nagkamali, hindi magkalayo ang edad naming dalawa ni Tyler sa kanya. Inaasahan ko na may kasamahan pa siyang nagtatago. At nagsilabasan nga ang mga ito dahil sa naunang lalaki. Napaatras ako dahil unti - unting tumataas ang bilang nila. Mayamaya pa ay nakalapit na ito sa amin ni Tyler. Tinulungan nitong itayo habang nakaumang pa rin sa akin ang baril nito. "Let her be, Atlas." Napaubo si Tyler nang makatayo na ito. Sapo nito ang tagiliran habang manghang nakatingin sa akin. "Ibaba muna iyan, Atlas." "Just what?" his comrades shouted in disbelief. "Ibaba muna." "No." "Atlas." "Hell no!' sigaw pa nito. Napabuntonghininga si Tyler. "Uh! May knight in shining armor ka na pala?" He scoffed. "Why did you do that?" "The what?" Maang - maangan ko pa."Oh!" Sumipol ako. "Ayaw mong bumitaw eh." Napaigik ito. Bahagya pa itong napayuko kaya mas lalong lumapit ang kasama nito. "Where did you learn those moves, Maria." Nagkibit - balikat ako. "Hindi ko sasabihin." Napapikit ito. "Maria." "What?" I asked. "You lost your patience? Then shoot me." "Hindi ko gagawin iyon." "E 'di pagsabihan mo iyang mga kasama mo na ibaba ang baril nila." Pagkasabi ko niyon ay isa- isang kinasa ng mga ito ang baril nila. Dahan - dahan lumapit ang lima pang kalalakihan papunta sa amin. Halos pareho lang ang mga ito ng suot. Kung hindi naka cargo pants, May leather jacket naman ang ilan. Iyong tumulong kay Tyler ay magkapareho pa sila ng suot. Naka -itim nga lang ito na Americana. Ngumiti ako. "Patitigilan mo ang mga alagad mo o...." Sinadya kong bitinin sa ere ang sasabihin ko. Ikumpas ko ang aking kaliwang kamay. Nagbigay ako ng hudyat sa mga kasamahan ko. May narinig akong kumasa ng baril sa likod ko. Sunud - sunod ang mga ito at papalapit ang mga yabag nito sa akin. Pagkaraan ng ilang segundo ay may paparating na sasakyan at motor papunta sa amin. Napangisi ako nang pamilyar sa akin ang tunog ng mga makina nito. "Senyorita," tawag sa akin ng isang lalaki na nasa aking likod. Tinabingi ko ang aking ulo at ginalaw ko iyon paabante. Sumunod naman ito sa utos ko at umabante nga ito. Walang pag - aalinglangan na tinutukan nito ng baril si Tyler. Iyong isa ko pang kasama ay tinutukan ng baril ang kasama nitong nagngangalang Atlas. Napaatras ako nang napalibutan ng mga kasama ko ang mga bata ni Tyler. Nilibot nito ang paningin. Nang humarap ito sa akin ay pinukol niya ako ng masamang tingin. "Maria?" Napatawa ako. Pinalakpak ko ang aking kamay. "Bakit? Ikaw lang ba meron?" Pumalatak ito. Napamura naman ang katabi nito habang nakatingin sa amin. "K-kailan ka pa nagkaroon ng--" ''Oh well, long story." Ngumisi ako. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit wala ka masyadong nasasagap na balita tungkol sa akin?" Naestatwa ito sa kanyang kinatatayuan. Dalawang beses itong napakurap. "Sila lang din naman ang dahilan. Ngayon, ibaba ninyo ang mga baril ninyo? O mauuna kayong ilalagak sa sementeryo? Sige, kayo rin. Mas lamang pa naman ang bilang namin kaysa sa inyo." May ibinulong ang kasama nito sa kanya. Napatingin pa ito sa kanilang likod. Mukhang pinag - iisipan nila nang mabuti ang gagawin nilang pasya. Mayamaya pa ay tumingin ulit sa likod iyong Atlas. Sinenyasan nito ang mga kasama nito. Napataas ang kilay ko sa pagkamangha nang pinili nang mga ito na ibaba ang mga baril. "Umalis ka na," pagtataboy sa akin ni Tyler. Mas lalong domoble ang pagkamangha ko. "Talaga?" Tumango ito. Lumunok at isang beses na humakbang paabante. "But it doesn't mean that I will stop chasing at you." "Sige, tignan natin kung saan ang kaya mo." "Argus." "Po." "Ibaba muna. Aalis na tayo." Taas - noo akong tumalikod sa kanila. to be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD