Tarantang pumasok sa kotse si Arwena habang ang tingin ay nasa babae na papalapit sa kanila. Tingin niya kasi ay siya ang puntariya ng babae. At siguradong iyon din ang iniisip ng mga bodyguard niya, kaya agad-agad siyang pinapasok sa kotse ng mga ito, at ngayon ay alerto na silang humarang sa kotse. “Miss, ano ka ba naman!” sigaw ng lalaki, sabay pigil sa babae. Pero ang tingin ay nasa mga bodyguard. “Uwi na po tayo, miss. Kanina ka pa namin hinahanap." Pinipilit ng lalaki na ilayo ang bayolenting babae sa kinaroroonan ng kotse nila Arwena. Kaya lang ayaw pahawak nito. Sa kada subok ng lalaki na hawakan siya ay hampas ang ganti ng babae. Pero hindi ininda ng lalaki ang mga hampas. “Miss, please!” Pakiusap niya. Halatang nagpipigil na ‘wag itong masaktan. Nakawala na naman kasi ito

