Pinahiran ni Tandre ang labi nitong hinalikan ni Janica. Hindi sa nandidiri siya sa halik ng dating nobya. He just didn't want to be kissed by a woman he no longer loved. “Damn!” Napamura na lang si Mr. Tan at napa-iling-iling habang nakatingin sa saradong pinto. “Hindi na siya nagbago!” Nasabi niya pa. Hindi nga niya inaasahan na ganito pa rin pala ka baliw si Janica. Ang lakas ng loob. Gagawin pa rin nito ang lahat makuha lang ang gusto. Parang si Farah din. Kahit katawan ay handang gamitin, maabot at makuha lang ang pangarap. Kalaunan ay pahapyaw na tumawa si Mr. Tan. Nang dahil sa ginawa ni Janica ay naalala niya ang nakaraan—nakaraan na matagal na sana niyang kinalimutan. At kasalanan iyon ni Janica na kung umasta ay parang si Mr. Tan lang ang may kasalanan sa kanya. Ang k

