Luhaan ang mga mata nito at takip ang palad sa labi habang papalapit sa kinatatayuan ni Tandre. Sumulyap din ito sa nakahigang si Archie na ngayon ay nakatingin na sa ina. “Anong nangyari? Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" tanong nito kay Tandre sabay hawak sa kamay ng Anak na hanggang ngayon ay hindi makapagsalita. Hindi naman kasi siya ang nasaktan, Archie, pero siya ang unang kinamusta nito. “Wala bang masakit sa’yo anak?" tanong ulit ni Lucia habang haplos na ang pisngi ni Tandre. “ 'Ma, ako po ang nasaktan. Ako ang nabangga, hindi po si kuya…” Mabagal at pabulong ang pagkakasabi ni Archie sa huling salita. Syempre, in-obserbahan niya rin kasi ang magiging reaksyon ng kapatid. Baka kasi magalit at awayin na naman siya. Mabuti na lang hindi naman nagbago ang ekspresyon ng m

