Kabanata 47 Archie

1451 Words

“Ano ba?!” Kasabay ng sikmat ni Arwena ay ang pagtama ng siko nito sa sikmura ng lalaking lapastangan na biglang yumakap sa kanya. Pero parang hindi man lang ito nakaramdam ng sakit. Mas humigpit pa ang pagyapos nito sa kanya habang nakadiin na ang hawak nitong panyo sa ilong niya. Nagpupumiglas pa rin siya. Sinubukan niyang makawala sa mahigpit na hawak ng lalaki, pero dahil masakit nga ang isa niyang kamay ay kulang pa rin ang lakas niya, kumpara sa lakas ng lalaking may hawak sa kanya. Yapos-yapos pa rin siya nito at diniin pa ang labi nito sa leeg niya, hanggang sa unti-unti na siyang nakaramdam ng panghihina at pagkahilo. Naipikit na lang niya ang mga mata kasabay ang pagpatak ng mga luha. “Sorry, Weng…” Bago tuluyang nanghina si Arwena ay narinig pa nito ang sinabi ni Jake.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD