“Live with you?!” sikmat na tanong ni Archie. Talagang tumayo pa ito at hinarap ang kapatid na napakamot naman sa ulo. Nag-iwas din ito ng tingin, pero mga tingin naman ng mga magulang ni Arwena ang sumalubong sa kanya—tingin na hindi niya mabasa ang ibig sabihin. Ang alam niya lang ay hindi pa rin komportable ang mga ito sa naging sitwasyon na kinakaharap nilang lahat ngayon. Dahil sa mga tingin ng magulang ni Arwena, biglang nakaramdam ng hiya si Mr. Tan, pero kahit nahihiya siya; kahit pakiramdam niya ay nalagay siya sa mainit na sitwasyon. Wala naman siyang balak na bawiin ang sinabi—paninindigan niya n’ya iyon, kahit ano pa ang isipin nila. Sa isip niya kasi, wala naman siyang masamang intensyon; ang gusto niya lang ay makasama si Nathan. Gusto niyang maranasan na maging isang ama,

