“Sir, are you Jake Cuevas?" tanong uli ng pulis na kaharap ni Jake, pero nakatingin naman sa cellphone nito. May kinumperma pa yata kung totoong si Jake Cuevas na ba ang kaharap niya. “Y-yes, ako nga po" utal na sagot ni Jake. Hindi naman niya ipinagkakaila na nagulat siya sa presensya ng mga ito. “Anong po ang atin, officer?" dagdag tanong nito, matapos ang sandaling pagkabigla. Naalala niya rin si Farah; ang tawag nito kanina at ang paghingi ng tulong nito sa kanya. “Ano na naman ang ginawa mo, Farah?!" tanong ni Jake sa sarili. Sikreto na lang na naikuyom ang kamao niya. Ang masayang umaga niya kanina, ngayon ay nasira na dahil na naman kay Farah. “Itatanong lang ho sana namin kung kasama mo ba ngayon si Farah Dizon?” magalang na tanong ng pulis, at bahagya pa itong sumilip sa loo

