“Tandre—” “Shut up!” sikmat ni Tandre na nagpatiim ng labi ni Arwena, pero napatitig naman sa seryosong mukha ni Tandre. Nakakainis ang sinabi niya. Nakakagalit at nakakasakit ng loob, pero dahil nga may kasalanan at guilty siya sa ginawang panloloko niya kay Tandre ay nagpakumbaba at nanahimik na lang siya, sabay ang pagkapit sa batok nito para hindi malaglag. Tumawa naman si Tandre. Labas sa ilong nga lang. May kasabay pa ‘yong sandaling sulyap kay Arwena. Iyon na nga ang inaasahan ni Tandre. Alam niya na hindi magmamatigas at magmamaldita si Arwena ngayon dahil may kasalanan nga ito sa kanya. At syempre, sabi nga ni Nathan na mag-usap sila at hindi mag-aaway. Ano na lang ang maramdaman ng Anak nila kung malamang hindi naman pala sila nagkaayos. Kaya ito na ang chance niya na ga

