“Pinagloloko n’yo ba ako?” Matapos ang sandaling pag-awang ng labi at panlalaki ng mga mata ay nagawa ring magsalita ni Mr. Tan. Pahapyaw itong tumawa at napa-facepalm pa. “Wow! Iba kayo, ang galing n’yong umakting, hindi ko man lang napansin, that you were lying the whole time! Ginawa n’yo akong tanga!” Nagulo naman nito ang buhok at parang gusto pang sapakin ang kapatid. “Pinaniwala n’yo ako na mag-fiancee kayo, hindi naman pala!” sikmat pa nito. Sa galit ni Mr. Tan ay nakalimutan na niya na kasama pa nila si Nathan na ngayon ay huminto na sa pagtawa at napahawak pa sa kamay ng Daddy Archie niya. Bakas sa mukha nito ang takot. Agad sumenyas si Arwena sa yaya ni Nathan na ilayo na muna ang bata. Hindi dapat nakikita ni Nathan ang ganitong eksena; hindi niya dapat naririnig ang ganito

