Pigil ang hininga na tumitig si Mr. Tan sa labi ni Arwena na medyo umaawang pa. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kotse kanina, pero heto na naman sila sa ganitong sitwasyon. Parang na ma-magnet na naman siya at gusto na namang halikan si Arwena. Si Arwena naman ay kanina pa sinasaway ang sarili na ‘wag tumitig sa mga mata ni Mr. Tan, kaya lang ang tigas ng ulo niya. Hindi niya magawang bawiin ang tingin niya kay Mr. Tan na parang dinadala siya sa ibang dimension. Puro mukha na lang kasi ni Mr. Tan ang nakikita niya. “Iba… lagkit ng tinginan!” biglang sulpot ni Archie. Parang gumang biglang naputol ang tinginan ni Tandre at Arwena, sabay kusot kasi sa mga mata na parang may tumama roon. Parang napuwing ba. Sabay din silang lumayo sa isa’t-isa, kagat labi at nahihiyang tumingin kay

