TROY P.O.V Nasa gitna ako ng business meeting ngayon, pero hindi ko maalis sa isip ko si Irina. Alam ko naman na kasama niya lagi sina Lucas at Marco, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Lalo na ngayong maraming insidente ng mga nawawalang babae sa lungsod. Kailangan kong siguraduhin na ligtas siya. “Okay, gentlemen,” sabi ng isang board member na nasa harap ng mesa. “Let’s talk about the quarterly projections. The numbers show a positive increase in sales, but we need to focus on our marketing strategies.” Tahimik akong nakinig habang nagpresenta ang bawat isa sa mga detalye ng kanilang mga plano. Pinag-usapan ang mga digital campaigns, market trends, at kung paano pa mapapalawak ang reach ng aming kumpanya. “You have a point,” sabi ko matapos magsalita ang isang executive. “Per

