IRINA P.O.V Bumuntong-hininga ako habang nakatitig sa singsing na suot ko. Simple lang ito—silver na may maliit na button sa ilalim. Lucas and Marco insisted na isuot ko ‘to kahit saan ako magpunta. Sinabi nilang may GPS daw ‘to, at kapag pinindot ko ‘yung button, makakatanggap sila ng signal kung nasaan ako. Parang superhero gadget sa mga movies, pero sa totoong buhay, it felt surreal na kailangan ko pa ng ganito. "Alam mo, hindi naman ako helpless," sabi ko kay Lucas habang papasok kami sa kotse niya. Kinuha na naman nila ako sa school, at mukhang hindi na matatapos ang ganitong routine sa mga susunod na araw. "I know you're not," sagot ni Lucas, hindi man lang lumingon habang nagda-drive. "Pero marami na talagang nangyayaring masama ngayon, lalo na sa mga babae. Hindi pwedeng maging

