IRINA P.O.V Maraming taon na ang lumipas, at sa mga taon ng pagsubok at paghilom, sa wakas, nararamdaman kong masaya na ako. Kung may mga bagay akong natutunan sa lahat ng pinagdaanan ko, isa na roon ang tamang timing. Ang buhay ay may mga pagkakataon, mga pagkakataon na para sa atin. Kung hindi nangyari ang lahat ng iyon, hindi ko siguro matutunan ang halaga ng mga bagay na mas mahalaga pa sa lahat—ang pagmamahal, ang pamilya, at ang pag-pursige sa mga pangarap. Ngayon, halos 8 taon na simula nang mawala ako sa buhay ng mga kaibigan ko, at napaka-layo ko na sa mga araw ng takot, trauma, at kalungkutan. Matapos ang lahat ng mga pagsubok at hirap, natagpuan ko ang kapayapaan, at natagpuan ko ang taong tunay na nagpasaya sa akin. Si Dieter Valmoria, ang asawa ko, ang pinakasikat at isa sa

