IRINA P.O.V Nagising ako na parang mabigat ang pakiramdam ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at agad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin na tila galing sa maliit na bintana sa isang sulok ng kwarto. Subalit, bago pa man ako makagalaw, agad kong naramdaman na parang may mali—ang mga kamay ko... nakatali! Napatigil ang hininga ko sa sobrang gulat at takot. Tinali ang dalawang kamay ko sa likod ng inuupuan ko, mahigpit, at hindi ako makagalaw. Pumikit ako ng mariin, iniisip kung paano ako napunta rito. Hanggang sa biglang bumalik ang lahat ng alaala—yung naglalakad ako sa kalsada, yung creepy na pakiramdam na parang may sumusunod sa akin, at yung amoy ng panyo na pinatulog ako. Hindi ko mapigilan ang takot. Napasulyap ako sa paligid, pero sobrang dilim ng kwarto. Mun

